Chapter 4

17.7K 512 3
                                    

Busy si Inigo sa pakikipag-coordinate sa mga secret bodyguards nina Gabby at Janina. Papasok din and mga ito sa loob ng hotel na pagdarausan ng party, nagawan na iyon ng paraan ni Degan. Magkukunwaring mga waiter ang mga ito. Mayroon silang mga earpiece para madali silang makapag-usap.

"Sir nakaposte na po kami, handa na po kami." report ng isa sa guard.

"Ok sige, aasahan ko kayo kaya maging alisto kayo."

"Areglado sir!"

Before seven pm nang sunduin nya si Gabby. Bihis na ang mga ito ng dumating sya including Janina na doon na nagbihis. Magkahiwalay sila ng sasakyan, nag-convoy na lang sila.

"You look great babe, mukhang kailangan namin magbantay ng todo sa inyong dalawa ngayon." Ani Inigo na nakangiting  sumulyap sa kanya habang nagmamaneho.

"Huh! Why?" takang tanong ni Gabby sa kanya.

"Siguradong maraming aaligid sa inyong dalawa ni Janina mamaya sa party. Sa gaganda nyo baka mapaaway pa kami." palatak nito.

Ramdam nya ang pag-iinit ng pisngi nya dahil sa papuri nito. "Grabe ng bola yan, sobrang gwapo mo rin ngayon malamang pagkaguluhan kayo ng mga babae dun baka mawalan kami ng escort nito." dinaan nya sa biro ng kanyang kabang nararamdaman. Hay! Kelan ba sya masasanay sa lalaking ito.

"Tss...as if naman iiwan namin kayo. Kahit gano pa sila kagaganda, mas importante kayo."

"Oo na naniniwala naman ako." natatawa nyang sagot pero bigla ring nagseryoso. " you know Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Emily nung nakita nya tayo sa mall. Pakiramdam ko may gagawin talaga syang hindi maganda."

Nagulat sya nang may biglang tumabi sa kanya habang namimili sya ng gown na gagamitin sa reunion. Medyo malayo sa kaniya si Janina ang dalawang lalaki naman ay nasa waiting area lang nahihintay sa kanila.

Paglingon nya ay masamang tingin ni Emily ang bimungad sa kanya. Pinagbantaan sya nito na may mangyayaring masama sa kanya kapag hindi sya lumayo kay Inigo. Nagulat pa ang kuya nya at si Inigo ng lumapit sya sa mga ito na namumutla.

"No,don't be afraid nandito lang kami. Hindi naman kami papayag na may mangyari sa inyo, wag mo nang isipin yun basta mag-enjoy ka lang ok?"

"Ok." Nagkibit balikat na lang sya.

Ang  totoo nag-aalala talaga sya, hindi para sa sarili kundi para sa dalaga. Nararamdaman nyang may mangyayaring Hindi maganda kaya pinaalerto nya ang mga secret bodyguards at kumuha pa sya ng back-up kay Degan.

Pagdating nila sa hotel na pinagdarausan ng reunion ay pinagtitinginan sila ng lahat. Wala namang bago kahit saan sila magpunta ganyan talaga ang response ng mga kababaihan sa mga escorts nila, actually kahit mga lalaki ay mga nakatingin din. Mayroong humahanga at any iba ay may halong inggit.

Sila namang dalawa ay medyo sikat din, matalino sila pero hindi naman sobra. Maganda,seksi at malakas ang appeal nila. Yun nga lang dahil napapaligiran sila ng naggagwapuhan nilang mga kaibigan at kuya-kuyahan ay walang nangangahas na lumapit. Wala namang kaso sa kanilang dalawa yun dahil Hindi naman sila nagmamadaling magka-boyfriend and besides nasa tabi lang nila ang mga lalaking gusto nila.

Nakipagkumustahan muna sila sa mga dating kaklase at schoolmate bago pumunta sa assigned table nila.

Nagpaalam silang dalawa ni Janina na pupunta sa comfort room habang kumukuha ng pagkain sina Inigo at Kion. Pabalik na sila sa table nila ng may humarang na waiter sa kanila.

"Ma'am kayo po ba si Miss Gabby at Miss Janina." tanong ng waiter na may dalang tray na may lamang dalawang basong juice.

"Yes, why?" si Janina ang sumagot.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon