Chapter 19

14.2K 439 7
                                    

Isang linggo na syang hindi nagpapakita sa asawa. Hindi nya rin sinasagot ang mga text ng nito pero binabasa naman nya at ayaw man nyang aminin ay talagang kinikilig sya sa mga malalambing na text messages nito.

At totoong ini-stalk nya ito. Inaabangan nya ang pagpasok at pag-uwi nito araw-araw gamit ang binoculars. Laging malungkot ang mukha nito at  napansin nyang maaga ito umuwi palagi.

Babe I miss you so much, wish you were here. I'm so sorry!

Ito ang huling text ng asawa nya kagabi.

Napagpasyahan nyang umuwi na ngayong araw pero  dadaan muna sya ng mall para bumili ng cake para kay Inigo. Iniligpit na nya ang mga gamit at nag-check out.

Maaga pa kaya naisip nyang mamasyal muna at maglibang tutal mamaya pa naman uuwi ang asawa.

Namili sya ng ilang long sleeves polo at ilang neck ties para kay Inigo. Maraming mga office attire ang asawa pero gusto nya pa rin iyong ipamili. Kahit anong kulay bagay dito pero may naisip syang kulay na alam nyang mas babagay pang lalo dito.  

Palabas na sya ng boutique bitbit ang pinamili ng makasalubong nya si Inigo. Hindi sya makaimik at halos matulala na lang sya sa pagkakatingin dito.

Tulala sya hindi dahil sa pagkikita nila kundi dahil sa kasama nitong babae na nakapulupot ang kamay sa braso nito.

Mukhang nabigla din si Inigo dahil hindi ito nakakilos at nakapagsalita.

Nang makabawi sya, mabilis syang naglakad papalabas at dahil nakaharang ito sa may pinto itinulak nya ito para makadaan sya. Halos manakbo sya para lang makalayo sa asawa dahil tutulo na ang pinipigil nyang luha.

Lalo pa nyang binilisan ang hakbang ng marinig nya ang paghabol nito at pagtawag sa pangalan nya. Pero naabutan sya nito at hinawakan ng mahigpit para hindi sya makawala.

"Babe please let's talk! Its not what you think!" hinihingal na paliwanag nito.

"Really?" nang-uuyam syang ngumiti habang tumutulo ang luha.

"Yes, please let's go home and talk." pakiusap nito.

"Talk? With her?" turo nya sa babaing kasama nito kanina. Mukhang humabol din ito sa kanila.

"No of course not." mabilis na tanggi nito. "Just the two of us."

"Ok, pero isang hakbang pa pasunod ng babaing yan at makikita nyo kung pano ako magalit." warning nya sa asawa.

Binalingan ni Inigo ang babae. "I'm sorry Sheena I'll see you some other time." anito sa babae.

"No! No other time. You're not gonna see her again!" tiim bagang nyang tinitigan ang asawa.

Napabuntong hininga ito bago kinuha sa kanya ang mga pinamili nya tsaka sya hinila paalis. Habang nasa sasakyan pauwi, wala silang imikan. Nakatingin lang sya sa labas habang nakatiim-bagang at kuyom ang kamao. Hindi nya nililingon ang asawa na tahimik na nagmamaneho habang patingin-tingin sa kanya.

Pagdating ng condo dumiretso sya agad sa kanilang kwarto. Sumunod naman ang asawa sa kanya bitbit ang mga pinamili nya. Hinarap nya ito agad pagkasarado ng pinto.

"So sya pala ang dahilan kaya mo ako iniiwasan. I should have known." tumulo na naman ang luha nya.

"No, its not that." sansala ni Inigo sa sinasabi nya.

"Not what?" sigaw nya. "Na kaya ka maagang umaalis sa trabaho dahil nagkikita kayo, ha!" akusa nya dito.

"Babe no! Please listen to me." hinawakan sya nito pero pinagbabayo nya ito sa dibdib.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon