Chapter 20

15.4K 418 5
                                    

Nagising sya sa marahang paghaplos ng asawa sa pisngi nya. Malambot ang mukha nitong nakatitig sa kanya. Ngumiti ito ng bahagya ng makitang gising na sya at nakatingin dito.

"Hey! I brought us food. Hindi ka na nakapaghapunan. It's already 10 P.M. I know you're starving too." Malambing na saad ng asawa bago sya kinintalan ng magaan na halik sa medyo namamaga pa nyang labi.

Iinot-inot syang bumangon dahil talagang nagugutom na sya idagdag pa ang pagod sa ginawa nila ng asawa. Inalalayan naman sya ni Inigo.

Dumiretso sya sa banyo at naglinis muna ng katawan bago hinarap ang pagkain.

Tahimik silang nagsalo sa pagkain at paminsan-minsan ay sinusubuan sya nito. Pagkatapos ay agad nitong inilabas ang pinagkainan nila. Kalalabas lang nya ng banyo ng bumalik ito at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush.

Nakaupo sya sa gilid ng kama ng lumabas ito, agad na lumapit sa kanya at nag-squat sa harapan nya. Hinawakan nito ang dalawa nyang kamay, sinuri nito iyon at napailing ng makitang bahagya pa itong namumula.

"Does it still hurt?" malambing nitong tanong sa kanya.

"A little." namamaos na sagot nya. Masakit din ang lalamunan nya, marahil sa kasisigaw nya.

Napabuntong-hininga si Inigo bago kinintalan ng halik ang magkabilang palad nya na parang gustong tanggalin ang sakit nito. Pagkatapos ay sinapo nito ng dalawang kamay ang magkabila nyang pisngi. Marahan nitong hinalikan ang talukap ng namamaga pa rin nyang mga mata.

"I'm sorry I made you cry! I'm so sorry baby! That girl you saw...there's nothing going on between us. Its only you, and I don't intend to have another." she saw the sincerity in his eyes. And she believe him.

"As much as I want to explain to you everything I can't, you need to rest. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino babe, ikaw lang, remember that." parang may humaplos sa puso nya at di na nya napigilan ang pagtutubig ng mata.

"Hindi ka galit sakin?" parang bata nyang tanong.

"No of course not!" hinaplos nito ang pisngi nya habang titig na titig sa mga mata nya. "Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sayo." malambing sya nitong hinalikan sa noo bago binuhat at inihiga sa kama.

Inayos nito ang higa nya bago ito humiga sa tabi nya at mahigpit syang niyakap.

"Alam kong marami ka pang tanong babe at pag-uusapan natin iyang lahat but let's rest for now." hinalikan sya nito sa labi.

Akala nya tulog na ito pero bahagya syang nagulat ng bigla itong magsalita.

"Babe can you promise me one thing?" anito tumunghay sa kanya. Hinawakan sya nito sa pisngi at tinitigan sa mata. Nagtatanong ang mga mata nyang nakatingin dito.

"Can you promise me you won't leave me whatever happens?" Napakunot ang noo nyang napatitig  dito at hindi agad nakasagot. May nahimigan syang takot sa boses nito.

"I promise you, I won't cheat on you. It's only you babe. Whatever I do and whenever I go, I will never break my promise to you. Just please promise me you won't leave me again." may pagsusumamo sa tinig nito.

"Ok, I promise!" pangako nya at hinaplos ito sa pisngi. Alam nyang nahirapan ito nang umalis sya. Halata sa haggard nitong mukha at nereport lahat ni Manang Linda ang mga nangyayari dito.

"Kung sakaling masasaktan kita hindi ko yun sasadyaing gawin. Tandaan mo, asawa kita higit kanino man may karapatan ka sa akin. Ibinibigay ko ang lahat ng karapatan sayo bilang asawa ko." Nakatitig ito sa kanya habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Tumaba ang puso nya sa mga sinabi nito. Hindi nya alam na ganun pala sya kahalaga sa asawa. Lumaban sya ng titig sa asawa bago sumagot.

"I promise!" ngumiti ito at mariin syang hinalikan.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon