Chapter 22

14.8K 416 2
                                    

Its been a week since Inigo went to US. No phone call since then and she's so worried.

Wala na syang maayos na tulog simula ng umalis ito. She's been calling their friends but they just keep on saying he's ok. She tried calling him many times but his phone is out of coverage.

Pumapasok sya sa opisina dahil ayaw nyang mag-stay sa bahay, lalo lang syang nalulungkot at nag-aalala. Kahit papaano may nagagawa sya pag nandito sa opisina. Isinusubsob nya ang sarili sa pag-aayos ng mga files ni Inigo at pinag-aaralan ang mga proposals na naiwan nito. Naglalagay sya ng notes kung ano ang kanyang opinyon dito since ginagawa naman nya iyon dati.

Hindi sya lumalabas tuwing lunch, nagpapabili lang sya kay Maggie ng pagkain kasama na rin ang kanyang dalawang bodyguards na sina Gonzales at Santos. Sinasadya nyang pagurin ang sarili para pagdating nya ng bahay makatulog na sya sa pagod.

Alas sais ng gabi ng makauwi sila ng bahay. Sinalubong sya ni Manang Linda.

"Anak ihahanda ko ba ang mesa o hahatiran na lang kita ng pagkain sa kwarto?" tipid itong ngumiti sa kanya.

"Sa kwarto na lang Manang tapos bahala na po kayo sa dalawa." ang mga bodyguard ang tinutukoy nya.

"Sige anak." tumalikod na ang matanda at dumiretso na ng kusina.

Napabuntong hininga sya tsaka dumiretso na sa kwarto. Inilapag nya sa sofa sa loob ng kwarto ang kanyang bag bago lumapit sa kama at ibinagsak ang sarili.

Palaging dumadalaw ang mga kaibigan nila sa kanya, kundi dito sa bahay ay sa opisina. Minsan sabay sabay pa sila. Alam nyang concern lang sa kanya ang mga kaibigan at gustong pagaanin ang loob nya. Nagpapasalamat sya at nagkaroon sila ng kuya nya ng mabubuting kaibigan na laging maaasahan, kahit papaano gumagaan ang pakiramdam nya.

Ang kuya nya at si Janina ay araw-araw syang kinukumusta kung hindi man personal ay sa telepono.

Ilang minuto na syang nakikipagtitigan sa kisame ng marinig nya katok at ang boses ni Manang Linda.

"Gabby anak nandito na ang hapunan mo." tinig nito sa kabila ng pinto.

Mabigat ang katawan na bumangon sya at pinagbuksan ng pinto ang matanda. Pumasok ito at inilapag ang tray sa side table bago ito humarap sa kanya at malungkot na ngumiti.

"Anak, alam ko malungkot ka pero sana wag mong pabayaan ang sarili mo kasi hindi matutuwa ang asawa mo pag umuwi at nakita kang ganyan."

Napabuntong-hininga sya. "Yun nga Manang eh, hindi ko alam kung anong nanyayari sa kanya at kailan sya babalik." napahikbi sya. "Manang hindi na ako halos makatulog sa pag-aalala!"

Ikinulong ng matanda ang mukha nya sa dalawang kamay nito at tinitigan sa mata. "Anak magtiwala ka sa asawa mo. Naniniwala akong may dahilan kaya sya hindi makatawag sayo. Hintay lang at manalig ka sa panginoon." sinsero itong ngumiti sa kanya.

Para naman syang natauhan sa sinabi nito. Tama ito kailangang magtiwala sya sa asawa nya. Alam nyang Hindi mawawala ang pag-aalala nya dahil mahal nya ito pero kailangan nyang maging positibo at manalangin para sa kaligtasan nito at ng mga kasama.

Napangiti say kahit naluluha. "Tama ka Manang, kailangan kong magtiwala at magdasal." aniya dito at yumakap sa matanda, tinapik naman nito ang likuran nya.

"Sige Manang kakain na po ako."  bumitaw na sya at lumapit sa pagkain. "Kayo po kumain na ba?" baling nya dito ng naka harap na sya ng pagkain.

"Wag mo akong alalahanin anak at nandito lang naman ako. Sige na at aasikasuhin ko muna yung dalawa." anito at pumunta na sa pinto.

"Salamat Manang." lumingon ito at ngumiti lamang bago isinara ang pintong nilabasan.

Pagkatapos kumain, nag-shower lang sya at humiga na agad. Ayaw man magpahinga ng isipan nya at least maipapahinga nya ang katawan. Halos mapaiktad pa sya ng biglang tumunog ang cellphone nyang nakalagay sa side table.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon