Chapter 17

13.7K 432 3
                                    

Ngayon ang araw ng paglabas ni Gabby sa ospital. Inaasikaso ni Inigo ang hospital bill nya. Sa loob ng tatlong araw hindi ito umalis sa tabi nya. Nagpapadala na lang ito ng damit kay Manang Linda at sa tatlong araw na iyon laging nandyan lang ang  ang mga kaibigan nila. Hindi aalis ang isa hanggat walang maiiwang kasama si Inigo sa pagbabantay sa kanya. Hindi nila kailangang lumabas para bumili ng pagkain dahil dumarating na lang ito galing sa mga kaibigan pero madalas ay kay Zack ito galing.

Hindi matatawaran ang pag-aalaga ng asawa sa kanya pero ramdam nya ang pagdaramdam nito dahil sa nangyari. Ramdam nya ang distansya nilang dalawa, pareho silang tahimik palagi at nag-uusap lang kung kailangan. Naisip nya siguro kailangan lang nila ng konting time para matanggap ang nangyari. At babalik din ang lahat sa dati.

Natigil ang paglalakbay ng isip nya ng biglang bumukas ang pinto. Nagtama ang mata nila ng asawa, bahagya itong ngumiti sa kanya. Kung matatawag ngang ngiti ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito.

"Let's get you home." Inalalayan na sya nitong tumayo sa pagkakaupo nya sa gilid ng kama.

Tumango sya at hinayaan itong akayin sya. Walang namagitang usapan sa kanila sa sasakyan kahit hanggang makarating sila ng condo.

"Magpahinga ka muna, magpapahanda ako ng tanghalian kay Manang Linda." inalalayan sya nitong mahiga bago lumabas ng silid.

Nagising sya sa mahihinang tapik sa kanyang balikat. Si Manang Linda ang namulatan nya, bahagya lang nyang nginitian ang matanda.

"Kumain ka na iha nakaluto na ako ng tanghalian." masuyo itong ngumiti sa kanya.

"Nakatulog po pala ako, si Inigo po?" tanong nya dito.

"Ay naku! Ang batang iyon sinabi ko nang bukas na lang pumasok at magpahinga muna para makabawi ng lakas. Matigas ang ulo, marami daw syang trabaho." mahabang litanya nito.

Bumangon na sya at umupo sa gilid ng kama. Inilapit naman nito sa kanya ang maliit na mesa na kinapapatungan ng pagkain nya.

"Kumain na po ba sya Manang?" tanong nya dito.

"Naku Hindi! And sabi ay sa opisina na lang sya kakain."

"Ganun po ba?" matamlay nyang said. "Kayo po kumain na?"

"Wag mo akong intindihin anak, intindihin mo ang sarili mo para lumakas ka. Bilin ng asawa mo na kumain ka ng mabuti." anito pa.

Tumango na lmang sya at pinilit ang sarili na kumain kahit wala syang gana.

Kinagabihan nakatulugan na lang nya ang paghihintay sa asawa. Nagising sya ng madaling araw na katabi na nya ito. Pero iba ngayon, nakatihaya ito at may puwang sa pagitan nila. May naramdaman syang kirot sa dibdib nya. Dati hindi ito natutulog nang hindi nakayakap sa kanya.

Unti-unti na bang nanlalamig ang asawa sa kanya? Hindi.. Kailangan nya itong makausap. Kailangan nilang mag-usap para maging maayos ang lahat sa pagitan nila.

Ngunit kinabukasan ay hindi nya na  ito nagisnan. Maaga raw umalis sabi ni Manang.

Inabangan nya ulit ang asawa kinagabihan ngunit hanggang sa matulog na sya ay hindi pa rin ito umuuwi. Kinabukasan at ganun din, hindi na rin nya ito nagisnan.

Nanlumo sya sa nangyayari sa kanila. Iniiwasan ba sya ng asawa? Ayaw na ba nito sa kanya? Maraming pumapasok sa isip nya na kahit sa isip lang nya at hindi nya kayang tanggapin.

Isang linggo na ang nakalipas pero ganun pa rin ang kalagayan nila. Hindi sila nagpapang-abot kaya ng hindi sya nakatiis ay tinawagan na nya ito.

Makailang ring muna bago nya narinig naka-on ang kabilang linya, pero hindi ito agad nagsalita. Parang hinihintay lang nito na magsalita sya, kaya nagsalita na sya.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon