Chapter 21

15K 424 8
                                    

Bitbit ang tray ng pagkain ng pumasok si Inigo sa kanilang kwarto. Pero naabutan nyang natutulog ang asawa. Inilapag nya ang tray sa bedside table bago ito nilapitan. Naupo sya sa gilid ng kama at pinagmasdan ito.

Napahilamos sya ng mukha ng makita ang namamaga na naman nitong mata. Parang may tumusok sa puso nya sa nakikitang anyo nito ngayon. Ilang sandali nya pa itong pinagmasdan bago tumayo at pumasok ng banyo. Mabilis lang syang nag-shower dahil lalamig ang pagkain.

Pagkabihis ay tinabihan nya ang asawa at niyakap at hinalik-halikan sa labi para magising. Hindi nga nagtagal nagising rin ito. Parang blangko lang na napatitig ito sa kanya.

"Hey! Hindi ka pa raw kumakain sabi ni Manang." masuyo nyang hinaplos ang pisngi nito. "Halika na nagpahanda ako ng food kay Manang. Saluhan mo ako please!"
Hindi ito kumibo pero tumango, kaya binuhat nya ito at iniupo sa gilid ng kama bago inilapit ang pagkain. Wala silang kibuan habang kumakain at nagpapakiramdaman lamang.

Pagkatapos kumain inalalayan nya ito papuntang banyo at sabay na silang nag-toothbrush.
Sya pa ang nagpunas ng bibig nito bago hinawakan sa kamay at hinila palabas.

Inalalayan nya itong maupo sa kama bago sya naupo paharap dito. Hinawakan nya ang dalawang kamay nito bago hinalikan ang likod ng magkabilang palad.

Bumuntong-hininga muna sya para lumuwang ang pakiramdam. Hinuli nya ang mga mata nito bago nagsalita.

"First I want to say I'm sorry dahil alam kong nasaktan kita." Ngumiti sya ng tipid. "Now are you willing to listen? I will tell you everything para maiwasan na natin ang ganitong tampuhan, nahihirapan ako pag nakikita kitang ganyan." tumango naman ito.

"First, our baby...hindi ako galit sayo at lalong hindi kita sinisisi. Ang totoo sinisi ko ang sarili ko kasi pakiramdam ko kasalanan ko dahil pinabayaan kita kaya ka napahamak at dahil din nasasaktan ako. That's the reason why I chose to stay away for a while, na agad kong pinagsisihan. Nung gabi na hindi ako nakauwi kinailangan kong kausapin si daddy, magdamag kaming nag-usap, which I will tell you later." hinahaplos-haplos nya ang palad nito habang nagpapaliwanag.

"I'm sorry, nasaktan lang ako pakiramdam ko kasi burden lang ako para sayo." mapait itong napangiti at kita nya ang sakit sa mukha nito.

"No its my fault! Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin, na dapat nasa tabi mo ako. Sorry!" tumango naman ito, bahagya syang napangiti. "About Sheena..."

Gabby cut him off. "So who's she? Palagi kayong magkasama." nakasimangot na ito.

Napataas ang kilay nya pero nakangiti. "Are you jealous?" may panunukso sa tinig nya.

"Yeah!" nakanguso at malungkot nitong sagot.

Napakunot naman sya ng noo. "I told you she's nothing right?" tumango naman ito.

"She was my childhood friend back in the US. Tinakasan nya ang daddy nya kaya sya nandito. Pinipilit sya ng daddy nyang ipakasal sa hindi nya gusto at wala syang ibang alam na pwedeng pagtaguan na hindi sya masusundan ng ama." pagkukwento nito.

"So you were helping her by being always by her side?" taas kilay nitong tanong. How cute! Lihim syang napangiti.

"Tsk! Dahil nga sa kanya kaya nadagdagan pa problema ko, Hindi ko naman pwedeng pabayaan baka lalong magkaproblema. Pero ok na ngayon, I'll tell you the details some other time. So, are we good now about her?" tanong nya.

"Yeah, pero ayoko pa rin na lagi mo syang kasama." pamaktol nitong sagot.

"Oo na nga, wag kang mag-alala magkita man kami isasama na kita." Natatawa nyang pinanggigilan ng halik ang labi nito.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon