Chapter 7

17.9K 520 5
                                    

After three days, pumasok na sila Gabby at Inigo. Sabay silang pumasok  dahil sa loob ng mga araw na iyon ay hindi sya pinayagang umuwi ng binata. Nagpakuha lang ito ng mga damit nya sa bahay nila. Sa phone na lang din ito humuhingi ng update sa mga kaibigan tungkol sa kaso.

Hindi rin umalis ang binata sa tabi nya, inalagaan lamang sya nito. During those three days nasanay na rin sya sa pagiging malambing ng binata. Madalas itong nakayakap sa kanya at nakasanayan na rin nya ang mga halik nito.

An hour before lunch dumating si Kion. Niyakap sya nito at kinumusta, mukhang na-miss say ng kapatid dahil ang higpit ng yakap nito sa kanya. Pagkatapos nilang saglit na mag-usap dumiretso ito sa opisina ni Inigo.

Lunch time ng lumabas ng opisina sina Inigo at Kion. Dumiretso si Kion sa elevator para sunduin si Janina. Sabay-sabay silang magla-lunch.

"Let's go babe, we'll just wait for them at the parking." yaya ni Inigo sa kanya.

"Ok." nakangiti nyang tinanggap ang nakalahad nitong kamay.

Magkahawak-kamay silang naglakad papuntang elevator, di na lang pinansin ang mga nakatingin sa kanila.

Pagkatapos nilang kumain tumayo na si Inigo, inalalayan sya nitong tumayo. Nagtaka sya kung bakit hindi kumilos ang dalawa nilang kasama.

"They will have some talking to do babe, tayo rin pero sa office na lang since magkasama naman tayo." Paliwanag ni Inigo sa kanya.

Sumang-ayon na lang sya kahit medyo naguguluhan. "Ok, I'll call you after office hours Jan." Hindi pa kasi sila nagkakausap mula nang reunion.

Ngumiti naman ang kaibigan at tumango lang.

"I'll talk to you later, sis." Nginitian sya ng kapatid bago bumaling kay Inigo. "We'll just go to your office bro." Anito pa bago nakipagkamay sa kaibigan.

Tumango lang sila bago lumabas ng restaurant, diretso sa parking lot. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan habang pabalik ng opisina.

"Maggie may appointment pa ba ako today" tanong ni Inigo sa sekretarya pagdating nila sa opisina.

"Just a meeting with Engr. de Leon at 3PM regarding the hangar, sir." Sagot ng secretary nito.

"Please reschedule that meeting and no visitors allowed except my friend Kion Mercado and Ms. Janina Bautista." Bilin nito

"Ok sir, would that be all sir?"

"For now, yes."

Tumalikod na ito at inalalayan na sya papasok sa opisina nito. Pinaupo sya nito sa sofa bago tumabi sa kanya.

Bumuntong-hininga muna si Inigo bago humarap sa kanya. Hinawakan nito ang mga kamay nya tsaka tumingin sa kanya.

"Babe we need to talk." Simula ng binata.

"About what?" Takang tanong  ni Gabby.

"About us getting married, kailangan nating magpakasal babe." Anang binata habang pinalalaruan ang kamay nya.

"What? But Hugh were not even boyfriend and girlfriend, bakit kailangan nating magpaksal." Asiwa nyang tanong dito.

"Don't forget babe, ilang beses may nangyari satin. Its possible that you are pregnant by now. Babe ayokong magkaanak sa labas."

Hindi nya mapigilang mamula dahil sa sinabi ng binata. Pano ba nya makakalimutan yun, pero sapat ba yung rason para magpakasal? Paano kung magpakasal sila tapos makahanap ng ibang babaing mamahalin ang binata?

Kung sya lang alam nyang magiging masaya sya. Mahal na mahal nya ang binata, matagal na nyang pinapangarap na ito ang mapangasawa nya. Pero pano kung dumating ang panahong iyon kakayanin ba nya?

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon