Chapter 16

13.7K 402 9
                                    

Kasalukuyan silang nasa opisina, busy si Inigo sa paperworks ng lumapit ang asawa at may gusto raw kainin. Tambak ang trabaho nya dahil sa ilang araw nyang pagkawala.

"Wait me here ako na lang ang bibili ng gusto mo, baka mapaano ka pa sa daan." sansala ko sa gusto nyang sya na lang mag-isa ang bibili.

"No, ako na lang babe. Marami ka pang trabaho, dyan lang naman ako sa baba." pilit pa nito.

"No ako na lang at..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis itong tumalikod papunta sa pinto. Ang kulit talaga.

"Mabilis lang ako babe." pahabol nito bago lumabas ng pinto.

Napa tsk na lang ako sa tigas ng ulo nito. Hinarap ko na lang ang mga trabaho ko habang naghihintay.

Napabuntong hininga ako ng tumunog ang cellphone ko pero agad ko ring sinagot ng makitang si Jace iyon.

"Anong balita Atty?" bungad nya sa kaibigan.

"Ok na ang kaso natin kay Rodriguez, marami nang nakalap na mga ebidensya. Naalala mo yung nag-migrate sa US na ginawan nya rin ng kalokohan tutulong satin. Yung kay Montalban naman naipa- deport ko na sya since US citizen pala yung luka-lukang yon." mahabang paliwanag nito.

"Salamat bro! Update mo na lang ako sa mga kailangang gawin tsaka padala mo na lang ang mga dapat kong bayaran." nakahinga sya ng maluwag.

"Not a problem bro, I'll just give you an update."

"Yeah, by the way tungkol sa pinag-usapan natin tungkol sa problema sa kompanya ni dad. Tawagan ko na lang kayo ni Degan para sa iba pang info." katulong nya kasi ang dalawa sa paglutas noon. Agency ni Degan ang nag-iimbestiga at si Jace ang abogado.

Hindi na nya naintindihan ang sinasabi ni Jace dahil humahangos na dumating ang sekretarya nya. Napatayo sya sa gulat. Pabalabag kasi ang pagkakabukas nito ng pinto

"S-sir si M-miss Gabby sir!" Bigla syang kinabahan dahil sa itsura ng sekretarya. Namumutla ito, alam nyang may hindi magandang nangyari.

"What happened Maggie?" Taranta nyang tanong na napalakas na ang kanyang boses.

"S-sir si Miss Gabby po nadulas, dinudugo daw po sir."

Napatakbo na sya palabas ng opisina, tarantang nakasunod naman si Maggie sa kanya.

"Nasan sya?" pasigaw nyang tanong habang tumatakbo papuntang elevator.

"Nasa may entrance daw sir."

"Call for help." pasigaw nyang utos kay Maggie bago pumasok sa elevator na nagpahinto sa pagsunod nito sa kanya.

"Yes sir!" agad naman itong tumakbo pabalik sa table nito para tumawag sa telepono.

"What's going on?" biglang tanong ni Jace na nasa linya pa pala. May pag-aalala sa boses nito. Nakalimutan nyang kausap nya pa pala ito at di nya naibaba ang tawag.

"My wife is bleeding! Fuck! Baka kung mapano sila ng anak ko!" Nanginginig ang boses nyang sagot, nasuntok nya ang dingding ng elevator dahil sa tensyon.

"Get a hold on yourself bro, kailangan ka nya. Pakatatag ka, susunod ako sayo. Sige na." At nawala na ito sa linya.

Halos magdilim ang paningin nya ng makita si Gabby na nakahandusay sa sahig, may dugong umaagos sa binti nito. May isang empleyada na nakaalalay sa ulo nito.

"My baby! Please save my baby! Please help us!" She's sobbing while saying those words repeatedly.

Hinawi nya ang mga taong nakaharang at dali-daling binuhat ang asawa. Malalaki ang hakbang na tinahak nya ang daan papunta sa sasakyan nya.

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon