Chapter 26

14.6K 440 3
                                    

Napahigpit ang kapit nya kay Lucas ng pumasok sila ng ICU. Gusto nyang pumalahaw ng iyak pero kailangan nyang magpakatatag. Ngayon sya kailangan ng kanyang asawa  at hindi nya ito bibiguin. Agad ding lumabas si Lucas pagkahatid sa kanya, alam nitong kailangan nyang mapag-isa kasama ang asawa.

Marahan syang lumapit sa asawa at hinawakan ang kamay nito. Mariin syang napapikit dahil sa matinding awa at takot sa kalagayan nito. Hindi nya kailanman naisip na mapupunta ito sa ganitong kalagayan.

Binigyan ito ng doctor ng twenty-four hours para gumising, kung hindi baka ma-comatose ito nang tuluyan. Dalawang bala ang tumama dito, isa sa balikat at ang isa ay malapit sa puso. Natanggal na ang bala pero maraming dugo ang nawala dito bago makarating ng ospital idagdag pa ang mga bugbog na inabot nito.

"Babe." she choked. "Please wake up. I love you so much! I can't live without you babe. Please lumaban ka para sa akin...para sa atin...para sa ating anak. We need you babe." tuluyan na syang umiyak.

Sobrang nasasaktan sya sa kalagayan ng asawa nya. Parang pinipiga ang puso nya, at takot na takot sya. Pano kung tuluyan sya nitong iwanan...Hindi, hindi nya kakayanin.

"Babe, hihintayin ka naming magising. Alam ko hindi mo kami iiwanan. Kaya mo yan baby, lumaban ka. Mahal na mahal kita. Nandito lang ako hihintayin kitang magising. Andito kaming lahat para sayo, maghihintay kami." Hinalikan nya ang likod ng kamay nitong hawak-hawak nya.

Hindi nya namalayang nakatulog na sya at nakayupyop sa gilid ng kama nito. Nagising sya dahil sa haplos sa kanyang buhok. Ang kuya nya pala ito.

"Baka gusto mong magpahinga muna sis. Alam kong pagod ka." Umakbay ito sa kanya.

"Hindi kuya ok lang ako. Nakapagpahinga ako kanina tapos nakatulog pa ako ngayon." Medyo magaan na ang pakiramdam kahit hindi nawawala ang kanyang takot.

"Sige basta magsabi ka pag pagod ka na tsaka wag mong pilitin ang sarili mo pag di mo na kaya. Mamaya dadalhan kita ng pagkain, sa labas lang kami pag kailangan mo." hinalikan sya nito sa ulo bago bumitaw sa kanya, tumalikod na ito para lumabas.

"Salamat kuya." malungkot any kanyang ngiti dito.

"No problem, andito lang ako palagi." tuluyan na itong lumabas.

Tumayo sya at lumapit pang lalo sa asawa. Marahan nya itong kinintalan ng halik sa labi. Tsaka nya matamang tinitigan. Ang gwapo ng asawa nya kahit may mga galos at ilang mga pasa.

"Ang tagal kitang pinangarap akala ko nga hanggang pangarap lang kita." She chuckled. "Pero ngayon sakin ka na. Kaya wag mo akong iiwan ha, kasi sandali pa lang tayo nagkasama. Gusto pa kitang makasama ng matagal, gusto kong sabay nating panoorin ang paglaki ng anak natin. Kaya kailangan mong gumising." idinikit nya ang palad nito sa kanyang pisngi. Gusto nyang maramdaman ang init nito sa kanyang balat.

Napalingon si Gabby ng biglang bumukas ang pinto. Ang maaliwalas na mukha ng magandang nurse ang bumungad sa kanya.

"Hi ma'am check ko lang po ang vitals ni sir." nakangiti itong lumapit sa kanya.

Umatras sya para bigyan ito ng daan. "Pilipina ka pala." kahit paano nasiyahan syang malaman na kababayan ito.

"Opo, nang malaman kong mga pilipino ang mga pasyente nakipagpalit ako ng shift para makatulong ako." napangiti sya, iba talaga kapag kapwa pilipino maasahan kapag nasa ibang lupain ka.

"Maraming salamat sayo, swerte kami na may kababayan kami dito." Sinisundan nya ng tingin ang ginagawa nito.

"Walang anuman yun ma'am, ganito talaga pag nagkikita ang mga magkababayan sa ibang bansa nagtutulungan." abala ito sa pag-check ng mga tubong nakakabit sa asawa nya. "Asawa nyo po?"

Dangerous Series #1: INIGO (Completed)                Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon