Chapter 3:

1.4K 83 6
                                    

Azaia's POV:

"Aba! Huwaw! Hiya naman kami ni Luke sa holding hands while walking niyo!"

Bungad samin ni Cassie nang sabay kaming pumasok ni Fade, kasama niya si Luke. Umagang-umaga, ang laki ng bunganga ng babaeng 'to.

"May hatid sundo ka talaga sa room natin 'no? Inggit na inggit naman ang iba sayo!", dagdag pa ni Cassie. Napatingin  tuloyako sa paligid, may mga babaeng ang sama ng tingin sakin, may mga babaeng para bang nag de-daydream na.

Hindi ko ipagkakailang sikat si Fade sa campus, maraming nanglalandi sa kanya, seneseduce sya, trinatry na agawin sya sakin pero walang nangyayari.

Kaya kahit napaka gentleman ni Fade sa ibang babae, or kahit ilang babae ang lumapit kay Fade, kampante lang ako. Kasi malaki ang tiwala ko sa kanyang di ako lolokohin.

At laging pinapatunayan ni Fade 'yon. He gives me more than just an assurance.

Hindi naswe-sway ng ibang babae ang feelings niya, pinapaalala nya saking wala na siyang ibang mamahalin at ibang titignan na babae, kundi ako lang.

Kilig syempre lola niyo hahaha.

"Kala ko ba may lagnat 'yan?", liko ng topic ni Cassie.

Ang ingay rin nitong si Cassie, dapat tinatanong ko siya ba't niya kasama sa harap ng room namin si Luke eh.

Nakita kong napakamot sa batok si Fade, ang cute hahahah.

"Nagpupumilit pumasok, hindi pa 'yan fully recovered, kinulit lang ako. "

Natawa si Luke sa sinagot ko, sabi niya na matigas rin talaga ulo ni Fade. 

"Di kana umuwi kagabi, sa apartment ka niyan natulog?", tingin sa akin ni Cassie. Bungangera talaga 'to. Ang daming tanong.

"Para namang ngayon lang natulog si Azaia  doon sa apartment ni Fade.", salungat ni Luke kay Cassie habang nakatingin dito. 

Lumapit si Fade ka Cassie saka ito inakbayan.

"Manang Cassie, 'wag ka masyadong mag-alala. Kahit araw-araw pa 'yan si Tabachoy matulog sa apartment ko, o di kaya doon na tumira, wala akong gagawin, okay? Wala. Maya na 'pag kinasal na kami, 'di ba taba?", pasada ng tingin ni Fade sa akin. Kinindatan niya ako, para sabayan ko trip niya. Baliw talaga, baliw pero kinikilig ako.

"Asuusss oo na Brian! Nilalanggam tayo dito! Chupee na nga kayo ni Luke sa room niyo!", tanggal ni Cassie sa akbay ni Fade saka ito inirapan. Tinulak niya si Fade ng mahina papunta kay Luke.

"Alis na!", taboy ni Cassie kay Luke at Fade at pinagtulakan ang dalawa paalis.

Natatawa namang umalis si Fade at Luke, habang may malapad na ngiti akong nakatingin sa kanila.

"See you around nalang Manang Cassie tsaka Az!", kaway na pang-aasar ni Luke dahilan upang mas lalong mainis si Cassie. 

Tumakbo pabalik sa akin si Fade at mabilisan akong ninakawan ng halik sa pisngi. Namilog pa mga mata ni Cassie sa gulat, kasabay ng pamimilog din ng aking mga mata.

"Kitakits.", pahabol pa nitong sabi pagkatapos.

"Hoy, ikaw babaeng ka! Hinintay kitang umuwi kagabi!", nakaturo na baling sa akin ni Cassie nang makaalis na ang sina Luke at Fade.

"Sorry na~", pakyut at malambing kong paghingi ng tawad. Niyakap ko pa nga baywang niya. Tignan niyo, 'di ako matitiis nito eh.

"Pinaalam mo kasi dapat sa akin na hindi ka makakauwi, 'di ba? Hindi 'yong buong gabi akong nag-alala.", may badya ng pagtatampo sa boses nitong sabi sa akin.

Past and Present TenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon