Chapter 26:

1K 70 48
                                    

Azaia's POV:

"Wahhhh excited na ako!"

Sabi ko habang tinulak tulak si Felice,

"Aray! Masakit ah"

Reklamo nya, nginitian ko sya ng malapad,

"Gwapo ba boyfriend mo?"

Tanong ko sa kanya, ngayon ko kasi mamemeet boyfriend nya.

Matagal nakong curious kung sino at anong itsura simula nung nalaman kong may boyfriend na pala sya.

Nag kibit balikat si Felice at nginitian ako,

"Malalaman mo mamaya haha"

Omg!? Mas na eexcite ako, like anong klaseng lalaki ang boyfriend nya.

Nilingon ko si Hachi na nagbabasa ng libro sa likuran namin ni Felice,

"Hachi! Hachi!"

Tawag ko sa kanya,

"Hm?"

He responded without looking at me, ano ba binabasa nya?

"Nakita mo na ba boyfriend ni Felice? Gwapo ba?"

He was about to flip another page of the book ng matigilan sya sa tanong ko, tinignan ko sya, anticipating his answer, he stared at the ground for a moment and continued reading.

He smiled.

"Pwede na"

Sagot nya,

Bigla namang napatayo si Felice sa kinauupuan nya sabay napahampas sa arm chair nya.

"Anong pwede na? Hoy! Ang gwapo gwapo kaya ng bebe boi ko!"

Napa angat bigla ng tingin si Hachi kay Felice,

"Boyfriend mo kasi kaya gwapong gwapo ka"

Napabaling naman ng tingin sakin si Hachi,

"Kaya ikaw, wag ka masyadong umasa. Madidismaya ka lang"

Ano ba pinagsasabi nya?

"Di ba ganun ka appeal boyfriend mo? I mean haha, hindi ko sinasabing pangit ah---"

"Wag kang maniniwala dyan kay Slate! Baliw yan"

Lumapit sakin si Felice at hinawakan ang dalawa kong kamay,

"Basta... para sakin, sya ang pinakagwapo sa lahat".

Kulang nalang mag heart heart yung mga mata nya habang sinasabi yun.

Nagtatalon talon ako bigla,

"Wahhhhh excited nakong makita sya~"

Nagtatalon rin bigla si Felice kaya nagtatalon kaming dalawa.

"Ako rinnnnnn... 2 days ko na rin syang hindi nakikita dahil sa kabusyhan nya "

"Ahhhhh~"

Tili ko kasi kinikilig ako para sa kaibigan ko, kinikilig nalang ako sa iba, kasi wala na naman akong lovelife.

*PAK*

Napatigil kami sa pag tatalon namin ni Felice ng biglang malakas na itiniklop ni Hachi ang libro.

Napatingin kaming dalawa ni Felice sa kanya,

Tumayo sya sa pagkakaupo nya,

"Ang ingay"

Pagkatapos nyang sabihin yun ay lumabas sya ng room.

"Hoy! San ka? May klase pa!"

Sigaw ko, lunch time pa kasi tas katatapos lang namin kumain.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now