Chapter 29:

918 69 23
                                    

Azaia's POV:

Gabi na nang makauwi ako sa bahay, pinuntahan ko pa si Cassie to comfort her, hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa tumahan siya sa pag iyak.

Pag bukas ko ng pintoan ko sa bahay ay tinurn on ko yung ilaw, pag turn on ko nung ilaw ay muntik na akong mahimatay sa gulat nang makita ko si Hachi,

Naka-upo sa sofa habang nakayuko pero nakaharap sa pintoan.

Anong ginagawa niya sa dilim?

Isinara ko yung pinto,

"Ha---"

Di ko natuloy siyang tawagin sa pangalan niya nang dahan dahan niyang iangat ang matatalim niyang tingin sakin.

Ano na namang ginawa ko?

"What's with that stare? You're creeping me out."

Sabi ko while slowly but surely walking, gusto ko nang maka akyat sa taas, jusko!

"Ba't ka andito?"

Tanong ko kahit kinakabahan ako, ba't ba siya ganyan?

"Sa'n ka galing?"

Napatigil ako sa paglalakad nang itanong niya sakin yun,

"Huh?"

"Ba't ngayon ka lang? Hinahanap kita kanina pero hindi ka pumasok? Sa'n ka nagpunta?"

Interview ba 'to?

His eyes are moving, he's looking at me from my head to toe

"Tas naka uniform ka pa. Sa'n ka galing?"

"Why do you even need to know? And why are you here? "

Napa atras ako ng konti nang tumayo siya,

"Nakalimutan mo na ba? Dito na ako nakatira? Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sa sofa pa ko natulog kagabi eh may kwarto naman ako dito kasi bahay ko na rin to, di ko alam anong pumasok sa isip mo nang pinauwi mo ko kahapon, bahay ko na rin to!"

Bigla naman nag snap sakin lahat,

Oo nga, dito na pala siya nakatira?
Sabi ko na nga ba! Pati yun hindi parin nag sisink in sa utak ko!

Ano ba 'tong kagagawan ni papa?

"Eh oh ano ngayon? Porket ba nakatira tayo sa iisang bubong kailangan ko pang sabihin sayo kung saan ako galing?"

Nag-lakad siya papalapit sakin,

"Babae, baka nakakalimutan mo, Fiance mo ako.... higit pa run..."

Parang nag hehesitate pa siyang sabihin yung mga katagang susubod niya pang sabihin...

"..kaibigan mo ako."

Why is he bringing up na Fiance ko siya all of the sudden, di naman siya ganun noon.

"Pwede bukas ko na lang yan sagutin? Pagod ako"

Nginitian ko siya kahit alam kong gusto kong umiyak ng tatlong baldeng luha.

"Nag aalala lang ako. Someone saw you running from the hallway all throughout the school. May nangyari ba?"

Yung aura niyang itim kanina parang napalitan ng pag aalala.

Alam ko sa sarili ko na ayaw kong pag usapan yun.

Sabi nila may rason lahat ang nangyayari, anong rason kung bakit sunod sunod nalang yung paghihirap ko?

Napayuko nang tingin si Hachi sa braso ko,

"Anong nangyari?"

Napahawak siya sa braso ko, napatingin siya doon sa panyo.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now