Chapter 21:

952 82 24
                                    

Azaia's POV: 

Pagkatapos mangyari nung araw na nalaman ko na i'm engaged with Hachi, ay palagi kong pinipilit si Dad na icancel ang engagement namin.

Pero hindi ka mapilit si Dad hanggang sa nag ibang bansa na naman sila ni mommy.

I kept telling dad that time na kung ikakasal man ako gusto ko sa lalaking mahal ko, at ang isasagot nya lang sakin ay matututunan ko rin raw na mahalin si Hachi.

Don't get me wrong, si Hachi? Mabait sya, gwapo, caring na kahit nakakapikon pag bumubuka bibig nya, he's an ideal man, pero hindi ko mahal si Hachi.

Hindi napipilit ang puso, kusa mo yung mararamdaman.

Yung pagmamahal it's when you're happy seeing that person, you get excited all the time, kompleto ang araw mo, nasasaktan ka dahil sa kanya at naiimagine mo ang future kasama sya.

Masaya ako pag magkasama kami ni Hachi, kasi kaibigan ko sya. Pero sa isang tao ko lang naiimagine ang future ko na kasama sya, at si Fade yun.

Hindi ganun kadaling bumitaw lalo na't ang higpit ng pinanghahawakan mo.

Maaaring wala na kaming chance ni Fade, but how can I force myself to love again if I'm still in love with him, worse is, he's the reason for my pain.

"Ahhh"

Natumba ako at napaupo sa sahig, nahulog ang mga dala kong libro,

"Pwede ba kahit sa school lang at sa daan wag kang lutang? "

Napa angat ako ng tingin at nakitang nakapamulsa si Hachi, napayuko ako at pinulot yung mga libro ko, dahan dahan akong tumayo.

"Sorry"

Sabi ko,

Tumitig sya sakin na para bang hindi nya alam ang isasagot sa sinabi ko hanggang sa napatingin sya sa mga libro ko,

Nagulat ako ng bigla nyang kunin sakin yun,

"Ako na magdadala"

Hinayaan ko na lang sya at nagpatuloy sa paglalakad, sinasabayan nya ko.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang locker ko para ilagay ang mga libro,

Parang naging awkward rin simula nung nalaman kung engaged kami.

"Do hate it that much?"

Napatingin ako kay Hachi ng basagin nya ang katahimikan, nakatingin lang sya sa daan ng deretso

"Huh?"

"Being engaged to me, do you hate it that much?"

Di ako halos makasagot sa tanong nya, I would be one of the luckiest women if ever I get married to Hachi, but I won't be happy.

My happiness was gone.

"Have you ever loved someone? Or do you love someone right now?"

Sinagot ko ng tanong ang tanong ni Hachi at napatigil sya bigla sa paglalakad.

Napatigil rin ako sa paglalakad, i looked at him but he's just staring somewhere blankly.

"Hachi?"

Tawag ko sa pangalan nya,

"Hachi!"

Napatingin sya sakin,
Bigla syang ngumiti.

"Para namang gusto ko ring ma engage at makasal ng maaga, diba? I just agreed dahil utos ng tatay ko, at makakabuti sa kompanya namin. "

"Huh?"

Ang layo ng sagot nya,

Di ko nalang pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad, at ang tahimik na naman pero si Hachi ulit ang nagbasag ng katahimikan na yun.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now