Chapter 31:

947 69 21
                                    

Azaia's POV:

Nasa loob ako ng taxi na nasa labas nung address na tenext ng daddy ni Fade sakin.

If you remember, Tito called me before na uuwi siya ngayon at gusto niya makita ako.

Kinakabahan ako sa mangyayari, anong sasabihin ko? Pa'no ko sisimulan?

"Miss, di ka ba lalabas? Andito na po tayo"

Sabi nung taxi driver

"Alam ko kuya, pero teka lang."

Ano ba ginagawa ko dito? Napakagat labi ako dahil sa kaba.

Ni hindi ko mapapanood yung Game ni Hachi ngayon dahil dito , Hachi was expecting me to watch, buti nalang naintindihan niya na may importanteng lakad ako.

"Bahala na!"

Nagbayad ako sa taxi driver at bumaba,

Paglabas ko ay nakita ko yung lugar,

"Why here?"

Ang lugar na 'to ay isang bar resto, may mga kumakanta dito, Fade used to sing here to celebrate my birthday.

To surprise me.

Parang nagdadalawang isip akong pumasok bigla, bumigat yung mga paa ko.

"Azaia?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Cassie na kakababa lang sa isang taxi.

Ba't andito si Cassie?

"Cassie? Why are you here?"

"Tito invited me, you know? Fade's father."

Inimbitahan rin siya?

"Don't tell me pinapunta ka rin ni Tito!? He doesn't know pa ba na hiwalay na kayo?"

Napatingin lang ako kay Cassie nang may tumigil na kotse sa harap namin.

Kilala ko ang kotse na yan,

Nag-park ito at nilabas doon si Luke.

Napatigil saglit si Luke nang makita niya ako,

Napatingin ako kay Cassie,

Anong gagawin ko?

Naglakad palapit samin si Luke,

"Cas---"

'Di ko natuloy ang pagtawag kay Cassie nang magsalita siya,

"Nauna pa 'ko sayo. "

Sabi ni Cassie kay Luke,

"Sabi ko sayo sabay nalang tayo"

Sagot naman ni Luke kay Cassie,

"Akala ko matatagalan ka pa"

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa.

Okay na ba sila?

"Let's go inside."

Nilagpasan kami ni Luke at nauna siyang pumasok,.
Sumunod naman kami ni Cassie,

"Ok na kayo?"

Bulong ko kay Cassie,

"Yeah. I think hindi talaga magiging kami. Malapit mawala lahat, but we peotected our friendship. "

Nginitian ako ni Cassie, pero alam ko yung ngiti niya ay may halong lungkot.

Pagpasok namin sa loob ay rinig agad yung sweet melo na music.

Sinundan lang namin si Luke kung saan siya papunta,

"Luke!"

May biglang tumawag kay Luke at sa boses pa lang na iyon ay alam ko ng si Tito yun.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now