Chapter 38:

1.1K 52 37
                                    

Azaia's POV:

Natanghalian ako ng gising nang hindi ko man lang napapansin, hindi rin ako ginising ni Hachi.

Nag-movie marathon kasi kami kagabi kaya medyo late na no'ng natulog kami,

Kabanas ang Hapones na yun, hindi ako ginising.

Ang nadatnan ko lang pag gising ko ay ang isang sticky note na nakadikit sa pintoan ng fridge, sabi ni Hachi doon ay maaga siyang nagpunta ng trabaho dahil marami pa siyang aasikasohin, hindi niya na lang raw ako ginising kasi tulog mantika raw ako at ang sarap raw ng paglalaway ko sa kama.

Paglalaway na sinasasabi niya? Hindi kaya ako tulo laway matulog! Sinunggaling talaga,

Napatingin ako sa malaking orasan na nakalagay sa pader sa sala namin ni Hachi, cheneck ko rin ang phone ko, may missed calls ako galing kay Cassie.

Haayyy.
Pupunta ba ako doon?

Wala naman talagang masama kung pupunta ako doon o wala, ano ba ang ikinatatakutan ko?

Mamayang hapon pa naman raw ang nagpag-planohang pagkikita nila sa dati kong unibersidad, pero ang bilis lang ng oras lalo na't natanghalian ako ng gising.

Wala na akong natitirang oras o panahon para magdesisyon.

Ano na Azaia? Pupunta ka ba o hindi? Ni wala ka pang masusuot doon sa Reunion party nyo?

Balit ba namro-mroblema ako sa susuotin ko kung marami naman akong damit na nakatago sa closet ko sa itaas?

Napahinga na naman ako ng malalim, panay hinga ako ng malalim kanina pa.

Napatayo ako sa aking pagkaka-upo sabay napahampas sa magkabilang binti ko,

"I should go."

Maikling sambit ko sa sarili,

Magdederetso nalang ako sa Mall para bumili ng bagong susuotin, gusto kong bumili ng damit na presentable tignan.

Lumabas ako sa bahay namin pagkatapos kong kunin ang bag ko,

Sa mga ganitong panahon na kailangan ko umalis na hindi kasama si Hachi ay mabuti yung may sarili akong sasakyan, pero unang-una, wala akong lisensya, at pangalawa ay hindi ako marunong mag-drive. Niregalohan pa 'ko ni Daddy noong nakaraang kaarawan ko ng kotse, hindi ko naman nagagamit.

Saktong sinasara ko yung gate ay mayroong padaan na taxi kaya agad kong pinara,

Pagkapasok ko sa taxi ay agad kong hinanap sa bag ko yung cellphone ko para tawagan si Hachi at ipaalam na pupunta ako sa Reunion,

Katatlong ulit ko dinial ang number ni Hachi kasi hindu siya sumasagot,

May meeting ba siya ngayon? Wala naman siyang nasabi sa akin?

Tenext ko nalang si Hachi baka kasi busy siya kaya hindi niya nasasagot mga tawag ko, doon ko lang rin napansin ang nga text messages sa'kin ni Cassie,

---------------------------
From: Cassie
Pumunta ka ah? Dapat pumunta ka! Kailangang pumunta ka!!! Magtatampo talaga ako pag hindi!

-----------------------------------
From: Cassie

'Di mo sinasagot tawag ko! 'Wag mong sabihin na tulog ka pa? O sadyang hindi mo lang talaga sinasagot yung tawag ko? Nakakatampo ka na!

------------------------------
From: Cassie

Mukhang tulog ka pa nga..... basta pupunta ka ah?

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now