Chapter 24:

890 67 11
                                    

Azaia's POV:

Gaya nga ng sinabi sakin ni Hachi noong papunta kami sa E-Mart, we've been going to school together using my bike.

And we're getting so much attention, the fact na anak ng may ari ng school si Hachi at sikat sya sa school kasi nga gwapo raw sya.

Gwapo? Oo nalang.

Usap usapan na rin sa school na engaged na kami, imbes na ipagkalat ko na hindi totoo yun, ay hinayaan ko na lang.

Like duh? Hindi ko pa tanggap pero para namang may pake si Daddy if tanggap ko o hindi, so that means engaged nga kami!

Nakakalito.

Maaga akong nagising para maunang  pumunta ng school,
Mag commute sya papuntang school.

Di ako komportable na pinagchichismisan kami, ganun rin noon sa school ko dati nung kami ni Fade.

Hindi nga ko nasanay dun, tas mangyayari ulit ngayon?

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan hanggang sa papunta sa pintoan palabas.

Chenecheck ko pa likod ko baka andun lang si Hachi nakatingin, tulog pa ata yun.

Napangisi ako, na iimagine ko pa lang nag uusok na mukha ni Hachi mamaya sa school, tuwang tuwa na ako.

Pinihit ko ng dahan dahan yung doorknob para hindi mag ingay, pero nasara ko ulit yun ng may mapansin akong note na naka dikit sa pinto.

"Ano 'to?"

Kinuha ko yun at binasa.

"Nauna na ako sa school. May basketball practice ako, naghahanda kami para sa laban dun sa ibang school sa darating na Valentines. Mag commute ka na lang ng pumayat ka.

P.S. 3 layers na bilbil mo, exercise din pag may time ...

-Slate"

Basa ko sa nakasulat doon sa sticky note, para bang naging bato ako sa kinatatayuan ako.

Tama ba ang nabasa ko?

Agad agad kong binuksan ang pinto, at tumakbo papunta sa pinaglagyan ko ng bike ko.

Hinanap ko pero di ko makita, seryoso!?

Ano to? Gumising ako ng ganito kaaga para sa wala?

Akala ko makikita kong umuusok ang tenga at ulo ni Hachi mamaya sa school, mukhang ako ang makikita nyang umuusok pati buong katawan ko.

Patay ka talaga sakin Hachi pag nakita kita maya.

Nilock ko yung pinto ng bahay, pati yung gate.

Napatingin ako sa mahabang daan, ayoko pa naman sana gumastos ng pera.

Napahawak ako sa tiyan ko, -_- bilbil? 3 layers? Alam nya ba pinagsasabi nya?

"Kailangan ba mag exercise nako? Teka, wag Azaia! Parang inaamin mo na ring may 3 layers ka ng bilbil!"

Naiinis talaga ko, napatitig ako ulit sa daan.

"Ngayon lang, ngayon lang talaga."

I checked the time in ny wristwatch, maaga talaga kong nagising.

Nagsimula nakong maglakad.

Yung mga stores na nadadaanan ko, di pa nagbubukas.

Ang tahimik pa, ayoko ng ganitong katahimik.

Ayoko ng ganitong atmosphere na parang nag iisa ako, pag nag iisa ako naaalala ko si Fade.

Kamusta na kaya sya? I deactivated my Facebook account. Hindi ko parin nadedelete ang number nya, i'm sure nag change number na yun.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now