Chapter 27:

989 76 28
                                    

Azaia's POV:

Napatingin ako kay Hachi, nakakapagtaka lang bigla syang natahimik.

Tsaka dapat papunta kami sa jewelry shop pero hindi natuloy.

Nabaling naman ang tingin ko kay Felice na kaharap lang namin ni Hachi nakaupo katabi boyfriend nyang si Jace.

Hindi naman sila halatang sweet sa pag susubuan nila ng cake hahaha, bagay sila.

Nung sinabi ni Hachi na sa susunod nalang sya bibili nung dapat bibilhin nya sana ay sumama samin si Felice, mukhang ayaw sana ni Jace, kasi diba? Mas maganda yung may quality time silang dalawa na sila lang, pero nag suggest si Felice ng double date, kaya andito kami ngayon sa isang cafe sa loob ng mall.

Nagulat ako ng biglang tumayo sa tabi ko si Hachi, agad akong napatingin sa kanya,

"Bakit?"

Taka kong tanong,

"Comfort room."

Maikli nyang sagot bago umalis, sinundan ko sya ng tingin paalis, halos mabali na leeg ko kakalingon sa kanya.

Bat parang wala yun sa mood?

Nginitian ko sila Jace at Felice, na napatingin rin kay Hachi nang biglaang umalis.

Nginitian ako pabalik ni Felice,

"Baby, cr lang ako."

Para namang mag aabot ang kilay ko ng tumayo rin yung boyfriend ni Felice at ang excuse para mag CR.

Luh ka? Sabay ba silang naiihi?

"Sige lang baby, balik ka agad."

Napakamot ako sa batok ko at napayuko saglit ng halikan ni Jace si Felice sa harap ko, ganito ba feeling ni Cassie pag nakikita nya kami ni Fade na ganito? Naiintindihan ko na sya.

Ang awkward.

Sinundan ni Felice ng tingin ang paalis nyang boyfriend bago muling humarap sakin na nakangiti.

"Pagpasensyaan mo na kami kung medyo ano...hahahah"

"Ahaha no, ok lang."

Ngumiti ako.

Kinuha ko yung latte ko at ininom, bigla kaming natahimik ni Felice, the atmosphere is different, so different. Something's strange.

Habang iniinom ko ang latte ko ay napapatingin ako kay Felice, hawak hawak nya lang ang Frappe nya habang nakatingin sa labas.

See? It's weird! Pag kami lang naman dalawa ni Felice, maingay sya, hindi sya nauubusan ng kwento. Bakit parang may iba?

nanlaki ang mga mata ko ng mahuli ako ni Felice na nakatingin sa kanya, natawa sya saglit at ibinaba ang frappe nya.

"May sasabihin ka?"

Tanong nya, umiling naman ako agad,

"W-wala. Wala naman"

Nginitian nya ko, inurog nya upuan nya palapit sakin,

"Nga pala, . Kanina, you and Slate papasok kayo sa jewelry shop na yun sana. For what?"

She leaned closer to me na akala ko kung anong sasabihin nya, yun lang pala.

"Sabi niya may bibilhin syang regalo para sa isang kaibigan."

Napatango tango si Felice habang bumabalik sa pwesto nya kanina,

"A friend huh? Haha"

Mahina nyang sabi pero narinig ko, di ko naman naintindihan kaya binalewala ko nalang.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now