Chapter 10:

1K 69 38
                                    

Azaia's POV:

"Shopping tayo after school Az!"

Masayang sabi ni Cassie na may halong palakpak pa sa kamay,

Ok na po sya, nagkausap na rin sila ulit ni Luke, sila lang nakaka alam kung ano yung pinag usapan nila. Masaya ko at balik na dati.

"Awwww Cass, di ako pwede."

Nagi-guilty kong sabi, kasi naman ngayon kami magmemeet ni Fade, babawi kasi sya remember? 

Isa pa, hindi kami nagkita ni kahit one second man lang kahapon, nakakainis. Pero okay lang, nagtawagan naman kami kahapon ng gabi, hanggang umaga.

"Bakit?"

Tanong ni Cassie, sinabi ko sa kanya ang totoo at buti naman naintindihan nya.

"Aishhh, ayoko muna umuwi, andun si Tito sa bahay"

Natawa ako sa ekspresyon nya ng sabihin nya yun,

Now that I think of it, di ko pa sinasabi kay Cassie ang tungkol sa kagustuhan ni daddy na etransfer ako ng school.

"By the way!"

Nagulat ako ng tumayo sya sa pagkakaupo nya bigla biglaan. Buti nalang kami nalang dalawa dito sa room at nagsiuwian na ang iba.

Hinihintay ko na lang kasi ang text ni Fade na papunta na sya sa labas ng gate at tsaka doon na rin ako lalabas.

"Baliw to! Gulat na gulat ako sayo!"

Tumingin sya sakin na parang kinikilig,

"Nung linggo! Nung nasa apartment ka ng lalaki mo!"

Maka-lalaki! Boyfriend ko yun!

"Oh bakit?"

"May bisita si Tito nun tas kasama yung anak, tangna! Ay sorry lord,!"

Hinampas ko sya ng mahina sa pwetan nya ng mag mura sya. Lutong na lutong eh.

"Kasi nga!!! Ang gwapo nung anak! Saktong pagbaba ko napatingin sya sakin! Ang gwapo! "

Kilig na kilig sya habang sinasabi yun,

"Pano na si Luke nyan? Ipagpapalit mo na?"

Pabiro kung sabi, napaupo sya sa sinabi ko,

"Loyal ako kay Luke"

Pigil na kilig nyang sabi, natatawa talaga ako kay Cassie.

Napa isip ako bigla, nakita ni Manong Fred at ni Cassie yung anak ni Mr.Ishikawa, na cucurious tuloy ako sa lalaking yun.

Bzzzzzztttt

Kinuha ko yung phone ko ng magvibrate yun, nagtext na si Fade.

Tumayo ako at kinuha na yung bag ko

"Kailangan ko ng umalis Cass."

Nakatingin sa phone kong sabi kay Cass.

"Hay sige! Chupeee na!"

Hinalikan ko sa pisngi si Cass bago umalis,

Excited akong tumatakbo papunta sa labas ng gate,

Di niya kasi ako sinabihan kung saan kami pupunta, feel ko talaga may surprise na naman sya.

Kinikilig na ako habang iniisip yun.

Patingin tingin ako sa paligid ng makarating ako sa labas ng gate,

Nauna akong makarating kay Fade, bilis siguro ng takbo ko kanina.

"Hi Azaia!"

"Hi Az!"

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now