Chapter 40: Last Chapter

1.1K 52 32
                                    

Azaia's POV:

"Aya"

"Aya?"

"Aya!"

"Ok ka lang ba?"

"Aya sumagot ka naman"

"Aya what really happened?"

"AYA!"

Nanlalaking mata akong napatingin kay Hachi,

"Are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang.."

Tinitigan ko sa mukha si Hachi, mugto na yung mga mata ko pero parang hindi parin nauubos luha ko.

Ang sakit sakit ng dibdib ko, hindi ko alam kung nakakahinga pa ako ng maayos.

"What's with that look? Ano ba talaga nangyari? Nagkita ba kayo ni Brian?"

Paano ako nakauwi?
Nagdadalawang-isip man ay dahan-dahang itinaas ko ang kanan kong kamay at idinampi iyon sa pisngi ni Hachi, tumulo na naman ang luha ko.

Nagulat siya sa biglang pagtulo ng luha ko at agad niyang hinawakan ang kanang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya,

"What the heck happened? Why are you crying?"

Ano bang gagawin ko.

Bakit niyo ba ginagawa sa akin 'to, hirap na hirap na ako. Ano ba ang naging kasalanan ko para gawin niyo sa akin 'to,

Itinaas ko na ang kaliwa kong kamay at idinampi yun sa kaliwang pisngi ni Hachi, nakahawak sa magkabilang pisngi ni Hachi ang mga kamay ko, pinigilan kong ang paghagulhol ko kasabay ang pag lapit ko sa mukha ni Hachi at idinampi ang noo ko sa noo niya,

"A-aya, why are you being like this? Tell me..."

Nag-aalalang tanong niya,

Why is it so unfair? Very unfair.

Why do this to me? Why do this to Fade and Hachi?

Naiipit na ako at hindi ko alam ang daan palabas.

Flashback at the Hospital....

Hindi ako mapakaling nakaupo sa labas ng Emergency Room, kinakagat ko na yung mga daliri ko.

Nakita kong naglalakad palapit sa akin yung lalaking naghatid samin ni Fade dito sa hospital, napatayo ako.

"S-si Fade..anong nangyari sa kanya?"

Nanginginig yung kamay ko habang tinuturo ko yung ER.

Kilala ko ang lalaking ito, naaalala ko na siya. Siya yung lalaking naghatid sa akin paalis sa delikadong park na yun noong nagtatampo ako kay Hachi.

"I can't tell you, Ayaw ni Brian na malaman mo."

Ang alin? Bakit ayaw niya sabihin!?

"Nathan!"

Sabay kaming napalingon no'ng lalaki sa biglang may sumigaw. Nathan? Tama! Nathan ang pangalan nitong kausap ko.

Sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Tito nang makita namin ang isa't isa, tatay ni Fade.

Napatingin si Tito kay Nathan na para bang nagtatanong kung bakit andito ako,

"Tumakas si Brian sa ospital para makipagkita sa kanya.."

Tumakas sa ospital?

"Ano bang nangyayari? Ano bang pinag-uusapan niyo? Wala akong maintindihan! Tumakas sa ospital!? Bakit andito sa ospital si Fade? Bakit kailangan niyang dalhin dito!? At sa Emergency Room pa, Tito, eexplain mo naman sa akin ang nangyayari, parang mababaliw na ako dito!"

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now