Chapter 13:

1K 80 31
                                    

Azaia's POV:

Mahigpit akong napahawak sa shoulder bag ko, habang nakatayo ako sa harap ng malaking gate ng bagong university na pag aaralan.

"Empire State University"

Basa ko sa malaking nakasulat sa taas nung malaking gate.

Tinitignan ako ng mga estudyateng napapadaan papasok sa school, napansin nila siguro na bago ako dito.

Napatingin ako sa uniform na suot ko, inayos ko yun kahit alam ko namang maayos na sya.

Bat ba ko kinakabahan?

"Hi?"

Napalingon ako ng may mag Hi sakin, nakakita ako ng sobrang cute na babae, wearing the same uniform.

"Ah hi."

Bati ko pabalik sa kanya, tinignan nya ko mula ulo hanggang paa,

"Bago ka siguro dito? Ngayon lang kita napansin, oh well, hindi ko naman memorize lahat ng mukha ng nag aaral dito? Hahaha"

Napakamot pa sya sa ulo nya ng sabihin nya yun,

"Bago nga ko"

Sabi ko sa kanya, nag snap naman sya bigla gamit fingers nya.

"See? Tama ako!!"

Masaya nyang sabi, napangiti ako.

Mukhang ang bubbly nyang tao.

"Ako nga pala si Felice, Felice Santiago"

Nakangiti nyang sabay inabot nya ang kamay niya, nakipagshakehands naman ako sa kanya.

"Azaia Curtis"

Maikling sagot ko pero nakangiti ako,

"Anong course mo? Since bago ka pa, hahatid kita sa room mo? Course at section mo ano?"

I sighed in relief, buti naman. Akala ko mamromroblema pa ko sa paghahanap ng room ko.

"Business administration, section Charlie."

Nanlaki ang mga mata nya ng sinabi ko yun, hinawakan nya ang dalawa kong kamay at naglulukso lukso sya. Kaya napalukso lukso narin ako kahit di ko alam kung bakit.

"Classsssmaaaatttte"

Tuwang tuwa nyang sabi at niyakap ako,

Nanlaki naman mata ko sa gulat,

"Talaga?"

Di ko makapaniwalang tanong ,
Tumango tango sya,
.woah! Akalain mo yun!

"Tara na! Pero teka.."

Maglalakad na sana kami ng napatigil sya bigla.

"Di ba hindi naman pweding magtransfer lalo na pag kalagitnaan ng semester?"

Napalunok ako, bat ko naman sasabihin na may special treatment ako, nakakabaliw.

"Ewan ko? Ahahaha"

Ang awkward ng tawa ko,
Ngumiti sya bigla,

"Pero malay mo, pwede pa la. Di ko rin alam eh hahahaha"

Natatatawa ako sa kanya, hinila nya ko at patakbo syang pumasok, madidislocate at buto ko sa balikat.

Habang hinihila hila nya ko ay tinitignan ko ang kabuuan ng school.

Ang ganda.

"Ako lang ba o pinagtitinginan tayo?"

Tanong bigla ni Felice habang hila hila ako,

"E-ewan?"

"Di kaya dahil maganda yung kasama ko? Hahahaha hindi naman sila ganyan makatingin sakin pag nadaan ako. "

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now