Chapter 33:

1K 78 29
                                    

Azaia's POV:

"Paki abot naman nung juice Hachi."

Hachi bends carefully to get the glass of juice in front of him.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa lap niya at kinuha sa kanya yung juice at ininom yun.

After I drank it ay humiga ulit ako sa lap niya,

"Di ba tayo mag gro-grocery ngayon? Halos walang laman na naman yung fridge"

Sabi ko habang nakatingin sa mukha ni Hachi,

"We should later on or tomorrow. Kakagrocery lang natin last week, ba't ba lakas mong kumain?"

Sabi niya sakin habang sa screen ng TV nakatingin,

Kasalanan ko pa?

"Sinasabi mo bang malakas akong kumain?"

May bahid ng inis kong tanong sa kanya,

Yumuko siya saglit para tignan ako,

"Yun nga sinabi ko."

Tas napatingin ulit siya sa TV, patayin ko kaya ang TV?

Kanina pa 'ko dito sa lap niya, saya saya niyang nanonood ng basketball match, eh gusto ko manood ng drama, ayaw magpatalo tas tinago niya ang remote.

Ang sama lang diba? Kaya eto humiga nalang ako sa lap niya.

'Di ko talaga gets ba't ang hilig ng mga lalaki sa basketball.

Pinisil ko yung tagiliran ni Hachi dahil sa inis tas parang wala lang siya, ang seryoso niya paring nanonood.

Kagatin ko kaya?

Napatingin ako sa TV para panoodin na lang yung basketball match kahit alam kong makakatulog lang ako,

Ang tatangkad nila,

Habang pinapanood ko yung match may napansin akong gwapo sa isang team.

Ang gwapo nung no. 3!

Napabangon ako at napa upo ng maayos, napatingin naman agad sakin si Hachi,

Tinuro ko yung TV,

"Sino yun? Sino yun?"

Parang nag wawala kong tanong, ang gwapo!

"Huh? Who?"

Nagtataka niyang tanong,

"Number 3!!! Oh my god, sino yan?"

"Bakit?"

"Ang gwapo niya, ang tangkad pa. Sino yan?"

Esesearch ko mamayang gabi,

"Ano sabi mo?"

Tinignan ko si Hachi at nakataas yung kaliwang kilay niya,

"Gwapo siya, anong pangalan?"

"Can you stop calling guys handsome in front of me?"

Ay ang taray,

"Oo na oo na! Ano nalang pangalan?"

"Why would I tell you that?"

Ang taray ng lolo niyo, mas mataray pa sakin.

Natawa nalang ako ng patago, inis na yan, napapa english kasi yan pag naiinis.

'Di ko nalang siya pinansin at pinanood yung basketball match kahit wala akong maintindihan,

Sumisigaw ako pag nakakashoot yung number 3, tuwang tuwa ako.

Hanggang sa namention nung parang nagsasalita sa background na Donny Pangilinan pala pangalan nung number 3.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now