Chapter 14:

1K 80 21
                                    

Azaia's POV:

"Haaaaaaa!"

Singhal ko ng mahina sabay napa hawak sa ulo ko,

Nakaka stress! Yoko na mag aral! De joke lang.

Napahawak ako sa tiyan ko, nagugutom na ako.

Kanina pa ko hindi kumakain kasi nag aaral ako, may test kami bukas sa subject kong labor law and legislation.

Bakit ko nga ba naging major ulit ang Business management? Bakit nga ba ulit ako napadpad sa business ad?

Tumayo ako galing sa study table ko, hinulog ko yung ballpen ko kasi sawang sawa na ko , nagdradrama na naman ako.

Lumabas ako sa kwarto ko at bumaba papuntang kusina.

Tas ang tahimik pa nitong bahay nato, miss ko na si Cassie, T^T.

Sinabihan ko naman si daddy na mag aapartment nalang ako yung maliit, e hanggang second floor kasi tong bahay na to.

Hindi naman sya kalakihan pero sa isang tao na tumitira lang dito ay ang laki na para sakin!

Tas yung isang kasambahay lang kasama ko dito na nagluluto at naglilinis pero umuuwi rin sya sa kanila sa biyernes at bumabalik sa lunes.

Mag isa ako!

Nasa isang village tong bahay, binili ni papa tong bahay nato noon pa, ewan ko ba kung bakit. Dito raw sila ni mom umuuwi minsan.

Buti nalang marami akong kapitbahay kasi nga village!

Binuksan ko yung ref at nagulat naman ako!

"BA! GANUN BA KO KALAKAS KUMAIN AT WALA NA NAMANG LAMAN ANG FRIDGE?"

Kung kailan nagugutom ako, kailan naman walang makain, nakakaiyak.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko at kinuha yung wallet ko, nagbihis rin ako tas naghilamos, di pa nga ko nakakaligo.

Ang maganda sa village nato, ay closed village sya, napakalaki nyang village, tas safe ka pa. At meron syang grocery store na para lang sa mga tumitira dito, i was there last time.

May mga shops rin dito, mga necessity shops, cake shops, mga ganun. Since hindi naman ako taga labas ng bahay, ay cool na cool ako dito.

Nagmamadali akong umalis kaya nakalimutan kong dalhin yung phone ko, naka bisekleta rin ako habang papunta sa E-Mart.

Napakafriendly rin ng mga taong nakatira dito.

Habang nagpepedal ako ay napadaan ako sa isang ale na nagtitinda ng mga bulaklak.

Napatigil ako sa pag pedal at nilingon ang mga bulaklak.

"September 3"

Bulong ko sa sarili ko habang nakatitig ako sa mga bulaklak.
Hindi namin monthsaru ng "EX" ko ang September 3! Lalo na't hindi naman namin amniversary ng "EX" ko kasi tapos na yun nung nakaraang dalawang buwan pa . June 24 naging kami.

Wag na nga natin pag usapan kumikirot dibdib ko, naiiyak na naman ako. Pero may koneksyon sya sa September 3.

September 1 na ngayon, september 3 is Fade's mom death anniversary. Naaalala ko pa noon, lage akong sinasama ni Fade sa puntod ni Tita pag bumibisita sya.

Napahinga ako ng malalim, oh well, kahit hiwalay na kami ni Fade, kahit walanghiya yung anak ni Tita, he's been a good son to Tita, at naging mabait sakin si Tita. I will still visit Tita.

Hindi lang naman ako sumasama kay Fade noon dahil gusto nya at magpakitang tao, sumasama ako kasi gusto ko pag binibisita namin si Tita.

"May klase ako nyan,"

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now