Chapter 8:

973 72 14
                                    

Brian's POV:

Nakayukong nakaupo sa harap ko si Luke, nasa park kami kung saan dapat magkikita kami ni Taba noon.

Nakaupo si Taba malayo samin ni Luke, tapos na sila mag usap kaya kami namang dalawa ang nag uusap ngayon.

"Pare.."

Nagsalita ako matapos ang mahabang katihimikan,  napa angat ng tingin sakin si Luke

"Bat di mo sinabi sakin?"

Pwede nya naman kasi sabihin sakin ang nararamdaman nya, palagi kaming apat ang nagsasama tas nagugustuhan na pala nya girlfriend ko, ano na ako nyan?

"At first, Akala ko lang kasi na di ko kailangan sabihin sayo since crush ko lang naman si Azaia, di ko akalaing lalalim yung nararamdaman ko. Tas naisip ko ulit na wag sabihin sayo kasi ako lang naman nakakaalam ng nararamdaman ko, na mawawala rin to, pero mali ulit ako. Hindi ko na sana sasabihin kay Azaia At sayo pero nalaman ni Cassie."

habang pinapakinggan ko si Luke hindi ko alam kung anong ere-react ko.

Dapat ba ko magalit kasi matagal nya nang tinatago sakin to? Bat naman ako magagalit?

"Wag kang mag alala Brian, wala akong plano na agawin sya sayo o kung ano man, pinapahalagahan ko yung pagkakaibigan natin. Sa totoo lang, ngayong nasabi ko na sa kanya nararamdaman ko medyo gumaan na loob ko, sa tingin ko handa nakong kalimutan sya. Kaya nahihirapan akong kalimutan sya noon, baka dahil ay kailangan ko munang sabihin sa kanya bago ko tuluyang limutin nararamdaman ko."

Huminga ako ng malalim, walang masamang nagawa si Luke, hindi ko sya masisi kong bat nya nagustuhan si Azaia, noon palang marami nang nagkakagusto kay Taba, di lang maganda si Taba, napakabait nya.

Hinawakan ko yung balikat ni Luke,

"Alam mo mas sasaya ako kung noon mo pa sinabi sakin yan, pero masaya parin ako na nagpakatotoo ka sa nararamdaman mo. May tiwala ako sayo pre."

Nginitian ako ni Luke sa sinabi ko at nginitian ko rin sya.

Napatingin sya kay Taba na nakaupo di kalayuan sa amin.

"Ingatan mo sya Brian, alam mo bang napakaswerte mo sa kanya? Wag mo syang sasaktan"

Napatingin na rin ako kay Taba sa sinabi nya,

Nagtatakang nakatingin samin si Taba, nacucurious yan kung bat kami nakatingin sa kanya.

Bigla kong naalala na hindi pa kami ok ni Taba, kailangan ko syang kausapin pagkatapos nito.

Itinoon ko muna ang attensyon ko kay Luke,

"Salamat at naglakas loob ka ng sabihin samin ni Taba ang nararamdaman mo, halos mabaliw na kami kakaisip  kung bat kayo nagkakaganun ni Cassie. "

Tumawa ng mahina si Luke sa sinabi ko,

"Sorry at pinag aalala namin kayo ni Azaia."

Tumayo si Luke at nag inat,

"Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko ngayong sinabi ko na rin sayo"

Tumayo na rin ako sa pagkakaupo ko.

"I think may pag uusapan pa kayo ni Azaia? Lately di kayo nagpapansinan."

Sumasakit ulo ko pag naiisip kong nilalayuan ako ni Taba at di kinakausap,

"Oo eh"

Mapapabuntong hininga ka nalang talaga.

"Iiwan ko na kayo para makapag usap, ayusin nyo yan"

"Sige tol, salamat"

I tapped his shoulders two times,

"Kita nalang bukas"

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now