Chapter 39:

819 47 26
                                    

Azaia's POV:

"F-Fade?"

Tawag ko sa pangalan niya,

He smiled.

Ngumiti siya? Hahaha, p-pa-paano niyang nagagawang ngumiti sa harapan ko pagkatapos niyang biglang mawala,

Napatingin ako sa kabuuan niya, pero sigurado akong naka wheelchair siya kanina. Kitang-kita ng mga mata ko, hindi ako pwedeng magkamali.

"It's been a while..."

Sabi niya,

"It's like a decade for me.."

Sagot ko sa sinabi niya, hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya.

"Bakit ka andito?"

Anong ibig niyang sabihin?

"H-huh?"

"Dapat andun ka at nag-eenjoy.."

Umupo siya sa Teacher's desk habang nakatingin sa akin,

Naglakad ako palapit at tumigil sa harapan niya,

"I saw you that's why i'm here... I saw you on a wheelchair Fade.."

Nabahiran naman ng pagtataka ang mukha niya,

"Naka-wheelchair? Nakita? Kanina pa ako dito, kararating ko lang at deretso ang punta ko dito sa silid aralan."

Pero sigurado akong nakita ko siya!

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Ngumisi siya,

"ano naman? 'Di kaya namiss mo lang ako kaya nag-hallucinate ka kanina na nakita mo ako?"

Naguguluhan ako, sigurado talaga ako na sila ni Tiffany ang nakita ko.

"I think i'm right, you missed me?"

Parang nawalan ako ng lakas sa aking mga tuhod at napaupo ako bigla, ang lakas ng tibok ng puso ko kanina nang makita kong naka wheelchair siya,

"Ok ka lang?"

Tanong niya habang naka-upo parin doon sa Teacher's table,

Yung boses niya, akala ko hindi ko na maririnig ulit pa,

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko, ano nalang ang iisipin niya Azaia 'pag nakita ka niyang umiiyak?

"B-ba't ka biglang nawala?"

Biglaan kong tanong, hindi ko magawang tignan siya sa mukha habang tinatanong ko yun , baka umiyak lang ako 'pag tumingin ako sa kanya, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Nag-bakasyon lang."

Bakasyon? Ng ganun ka tagal? Pinagloloko niya ba ako?

"Tumayo ka nga diyan, mukha kang tumatae hahahah"

Gustohin ko man tumayo, hindi ko magawa.

"Fade, nag-alala ako. Bigla kang nawala, ng hindi mo man lang sinasabi sa akin..."

Nakatingin na ako sa kanya habang lumalabasa ang mga katagang yun sa bibig ko,

"Dapat ko pa bang sabihin sayo na magbabakasyon ako?"

Nainis ako sa sinabi niya, nagkaroon ako ng lakas para tumayo at harapin siya,

"Ganyan ka na ba talaga?"

"Azaia, hindi na importante pa para malaman mo kung anong gusto kong gawin. Kung aalis ako, kung may pupuntahan ako, kung may gagawin ako, at kung....."

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now