Chapter 4:

1K 68 7
                                    

Azaia's POV:

"Nakita mo 'yong ng transfer student? Ang ganda niya 'di ba?"

"May magandang transfer student raw sa Section B-3, BS Aviation Technology."

"Section ko 'yon, talaga? Gaano kaganda?"

Naglalakad ako sa hallway patungo sa classroom ko at napansin ang na umagang-umaga ay busy ang lahat sa chsimis or kung ano man 'yang chika na pinagkakaabalahan nila. Galing akong banyo,  tapos nagkakagulo na sila?

Transfer Student? Section B-3? BS Aviation Technology?

Section 'yon ni pandak.

Eto talagang mga lalaki na 'to pag maganda ang babae, chismis agad.

"Hi Azaia!", bati sakin ng isang lalaki na hindi ko kilala.

"Hi", bati ko pabalik at nagpatuloy sa paglalakad, nakita kong sinusuntok suntok siya ng mga kaibigan niya, naghiyawan pa. Luh?

"Brad! Brad! Si Azaia brad!"

"G*go taken na 'yan!"

"Pwede ko talaga agawin 'yang si Aza kung hindi lang si Brian boyfriend niyan."

Napapahilot nalang ako sa noo ko  pag naririnig ko silang pinag uusapan ako.

Napatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Vionne, hingin ko kaya number nito at ibigay kay Luke?

Ay wag! 'Wag! Pa'no naman si Cassie? Team Cassie pala ako. Ang hirap naman kasi nito, pareho ko silang kaibigan, kaya pareho ko rin gusto ang kaligayahan nila.

Napatigil din si Vionne sa paglalakad, nakatingin siya sa akin.

"Narinig mo ba 'yong rumors last year? Si Azaia sana ang mananalo sa Queen of Santiago's University na pageant pero hindi siya sumulpot."

"Oo, narinig ko. Hinayaan niya atang manalo si Vionne kasi gustong gusto ni Vionee maging Queen Bee, 'di ba?"

"Kung sumulpot siya ng araw na 'yon, halata namang si Azaia ang mananalo."

Napatingin ako doon sa mga babaeng  umaga palang ay chismis agad inatupag. At least pakihinaan, 'yong hindi namin maririnig ni Vionne na kami pinag-uusapan niyo, 'di ba?

Nakita nilang tinignan ko sila kaya agad silang nagsialisan, napatingin ako kay Vionne at nakatingin pa rin siya sa akin.

"Hi", I greeted her while smiling, she smiled back at me.

"Hi.", bati niya rin sa akin saka nagpatuloy sa paglalakad at nilagpasan ako.

Tinitigan ko ang likuran niyang paalis, alam kong narinig niya 'yong sabi-sabi. Pero I didn't let her win, she deserves it. No'ng panahon ng coronation, 'di ako sumipot kasi may date kami ni Pandak, mas importante si Pandak kaysa sa title na queen bee chu chu.

Nang humarap ako para magpatuloy sa paglalakad papunta sa room ko ay may nabangga ako.

Palagi nalang akong nababangga,

"Oh my god, sorry! sorry!"

Babae ang nabangga ko, nahulog 'yong mga dala niyang libro kaya tinulungan ko siya.

Nang makuha ko ang mga nahulog na libro ay binigay ko sa kanya ito, "Sorry talaga.", paghingi ko ulit ng paumanhin. Tinignan ko siya ng maigi, but she's not familiar. 

"Salamat.", pasalamat niya.

Bago ba 'to?

"Transfer Student?", tanong ko sa kanya.

"Yeah.", tango niyang sagot.

"Ahhhh hahaha welcome to S.U", me welcoming her.

Now that I've taken a proper look at her, maganda siya.

Past and Present TenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon