Chapter 37:

962 53 8
                                    

Azaia's POV:

Nagmamadali akong bumaba galing sa kwarto ko, malapit pa akong mahulog sa hagdanan dahil sa pagmamadali ko.

Nahuli akong nagising, may trabaho si Hachi, kailangan ko siya ipagluto ng umagahan, ba't ba kasi kung anu-ano nalang iniisip ko kagabi! Yan tuloy! Nagpuyat ako mag-isa!

Napahinto ako sa harap ng lamesa ng makita si Hachi,

"Hachi?"

Tawag ko sa kanya, napalingon siya saglit para ngitian ako,

"Gising ka na pala, hindi pa tapos niluluto ko."

Sabi niya, napatitig ako sa likod niya, naka apron siya at nagluluto.

Naaamoy ko yung niluluto niya, ang bango.

Pero teka...

"Hachi~ ako dapat nagluluto diyan, maligo ka na! May trabaho ka pa! Ako na tatapos niyan!"

Lumapit ako sa kanya at nakitang nagfra-fried rice siya,

"Fried rice?"

"Oo. Wala na namang laman fridge natin, ang bilis lang, kaya eto lang maluluto ko muna"

Na-guilty naman ako, hindi naman ako naka ubos nong laman ng fridge,

Kami lang naman tao dito, mukhang ako nga nakaubos T-T

"Ako na tatapos niyan, maghanda ka nalang papuntang opisina mo."

"Ako na. Kailan ba huling ipinagluto kita? Ikaw lage nagluluto ng umagahan at dinner ko, gusto ko ako naman magluto para sayo"

Napangiti ako, tama nga siya, hindi ko na natitikman luto niya kasi ako na yung palaging nagluluto.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likuran niya, nagulat siya sa ginawa ko pero natawa lang ako ng mahina kasi napalukso niya ng konti sa gulat hahaha

"Silly. I'm cooking"

Sabi niya, it's weird, kahit di ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya.

Naramdaman kong napaatras siya ng konti palayo sa niluluto niya,

"Baka mapaso ka"

Sabi niya,
Humigpit lang 'yong yakap ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata ko.

Inaantok pa ako, at ang sarap lang higaan ng likod niya.

I stayed in that position for minutes,

"Aya..."

"Hmmm?"

"Bukas na yung Reunion niyo, pupunta ka ba?"

Napamulat ako ng mga mata ko sa tanong niya, bukas na ba yun?

"It doesn't matter if I go there or not, hindi naman ako doon grumaduate...ayoko nang bumalik doon."

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa likod ni Hachi at naghila ng silya na mauupuan,

"Bakit naman? Cassie told me that you used to like that school a lot,"

Pinanood ko si Hachi sa ginagawa niya, hindi ko alam ang isasagot ko.

It's not the school actually, Hachi. It's not the school.

Inilapag sa harap ko ni Hachi yung Fried rice na niluto niya at tinignan ako na para bang naghihintay siya sa sagot ko,

"It's a Reunion, I feel like I don't belong there, I only had few friends, gusto lang nilang pumunta ako doon because I was quite famous there before"

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now