Chapter 6:

941 66 15
                                    

Azaia's POV:

Isang linggo na.

Isang linggo ng hindi parin bumabalik sa dati si Luke at Cassie.

Isang linggo ng hindi parin ako kinikibo ni Cass.

Isang linggo ng simula no'ng nagkausap kami ni Luke, at isang linggo ng busy si Fade sa activity nila.

Di ko na siya masyadong nakikita pero tinatawagan naman niya ko at tenetext para mag-update.

Ano bang nangyayari sa paligid ko ngayon? Naninibago ako. 

"Cass?" Tawag ko kay Cassie nang pumasok siya sa kwarto. "Hmmm?" sagot niya sa akin.

Laking pasalamat ko nalang talaga na sumagot siya. Akala ko ay hindi na naman ako kikibuin.

"Nakausap mo na si Fade?" tanong ko sa kanya. 'Di ba kasi ang plano ay kakausapin ko si Luke tapos kakausapin ni Fade si Cassie? Hindi ko alam if kinausap na ba siya ni Fade.

"Hindi, wala. Bakit?" may pagtataka nitong sagot sa akin.

"Ahhh." tanging naisagot ko. Nakalimutan ni Fade ba ni Fade pinag-usapan namin? Na siya kakausap kay Cassie? Lahat ata ng oras niya occupied kay Tiffany. 

Sa totoo lang ay hindi ko talaga gusto na nagsasama sila ng babaeng 'yon. Ewan ko ba, masama kutob ko. Hindi niyo naman ako masisisi kasi girlfriend ako ni Fade, isa pa, it's my first time feeling this way. But then, wala akong magagawa. Baka nag-ooverthink lang ako, ayokong tawaging toxic na girlfriend.

"Sino nga pala 'yong palaging kasama ni Brian? Ba't 'di ko na  kayo masyadong nakikita na magkasama?" biglang imik ni Cassie. Nagulat naman ako kasi simula no'ng hindi nila pagpapansinan ni Luke, 'yon na ata pinakamahaban niyang sinabi kasi most of the time tahimik nalang siya o 'di ako kinakausap.

"Activity partner niya, alam mo naman gaano ka committed si Fade sa pag-aaral, kaya ang seryoso masyado. Gusto niya rin kasi matapos agad kaya hinayaan ko na munang mag focus siya doon.", eksplenasyon ko kay Cassie.

"Talaga? Mukha kasing ahas 'yong kasama niya." aniya.

"Huh?" 

"Wala." mabilis niyang sagot at lumabas ng kwarto pagkatapis. Narinig ko naman talaga ang sinabi niya pero I chose to be deaf. It will only make me feel not good  to deepen the conversation related to what I'm worrying right now.

Kinuha ko ang cellphone ko, tinignan ko kung may text ako galing kay Fade. And surprisingly, mayroon nga.

----------
From: Pandak

Taba, kumain ka na? Sorry at busy ako masyado, bawi ako maya. Kita tayo sa park malapit sa bahay niyo, I love you:*

-----------------

Napangiti ako nang mabasa ko ang message niya. Nawawala ang pag-aalala ko sa tuwing naga-update siya sa akin. By the end of the day, no matter how big my worry is, ay mas malaki ang tiwala ko kay Fade.

I replied to his message saying that I love him too and that I'll see him later. Mabilis niya akong nireplayan ng oras kung kailan kami magkikita.

"4 pm?" basa ko sa mensahe niya. Tinignan ko naman ang orasan sa dingding ng kwarto ko. "1:36" I uttered.

Mabagal ako pag naghahanda, kaya maliligo na ako. Ayoko naman paghintayin sa park si Fade.

Atsaka, maiintindihan ako ng mga babae. Matagal talaga kami maligo, tapos 'pag nakikipagkita ka sa taong mahal mo kahit 5 years na kami ni Fade pinaghahandaan ko parin susuotin ko, minsan wala nakong pake sa sinusuot ko, pero gusto ko lang maging maganda sa paningin niya ngayon.

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now