Chapter 5:

1K 70 16
                                    

Azaia's POV:

"Hindi sinabi sakin ni Cassie kung anong problema nila ni  Luke, palagi nalang nakatulala si Cassie."

Mahina kong sabi kay Fade habang naka rest ang ulo ko sa dibdib niya at nilalaro ang mga daliri ko.

"Lutang rin si Luke sa klase, iniiwasan niya ko. Wala ka bang clue kung bakit sila nagkakagano'n?"

I don't know either. Fade put some strands of my hair from my face to the back of my ears, kahit nahihirapan syang gawin 'yon kasi naka akbay siya sakin.

Pwede niya naman kasi sana gamitin ang isa niyang kamay kaya lang nakahawak iyon sa kamay ko.

"Di ko alam pero no'ng kinausap ko si Cassie, nagtatanong lang siya kung may sinabi ba daw sa'kin si Luke."

Tinignan ako ni Fade ng sabihin ko 'yon, tinignan ko rin sya.

"Bakit?", tanong ko.

"Why don't we do this instead? I'll talk to Cassie, you go and talk to Luke."

"Sige", sabay tango kung sabi.

Nginitian ako ni Fade at hinalikan ang noo ko.

"Don't think too much, magiging okay din ang dalawang 'yon"

Ngumiti ako at tumango na naman ulit.

Nag-vibrate bigla ang phone ni Fade, narinig ko kasi ang lakas ng vibrate.

Tinignan niya 'yong phone niya sa kanyang tabi Kinuha niya ito saka binasa.

"Sino 'to?", rinig kong mahinang tanong niya sa sarili. Ako naman 'tong na-curious ay pasimple akong tumingin.

-------------
From: 09********

Hi Brian, where should we meet? 

-------------

Where should we meet?

Tinignan ko si Fade at mukhang 'di niya kilala ang nag-text.

Biglang nag-vibrate ulit ang phone niya at nag-message ulit 'yong unknown number.

-------------
From:09********

Tiffany, by the way, hahaha. I got your number from one of our classmates. Where should we meet para sa activity natin? I think it's better to finish it fast, right?

-----------------

"Ahhhhhh."

React ni Fade na para bang nakilala niya na 'yong nag-text.

Tinignan niya ko bigla at nahuling nakatingin sa mensaheng natanggap niya.

Binigay niya sakin ang phone niya, nagtaka naman ako.

"Replayan mo nga ng 'okay' at sa school na namin pag-uusapan, tinatamad ako mag reply.", sabi niya sabay inalis ang pagkaka akbay niya sa akin at humiga sa lap ko. He then closed his eyes.

Napatingin ako sa phone niya, ah teka? Replayan ko na ba?

Ganito talaga si Fade, 'pag may nag-tetext sa kanyang babae, ako pinapareply niya 'pag importante, kapag hindi naman importante, binabasa niya lang tapos ako pinapa-delete, tinatamad daw siya, iyo ang palagi niyang excuse.

Nireplayan ko ang nag-text.

--------------
To: 09********

Ah hi? Fade said na sa school niyo lang daw pag usapan. ^^

Past and Present TenseWhere stories live. Discover now