Prologue

22.6K 819 45
                                    

THIS IS THE SECOND BOOK OF THE HANSEN SISTERS SERIES

Date started: July 16, 2017

Date completed: October 3, 2018

Note: All books for Hansen Sisters Series is already completed and can be read by chronological order as stated on the title, story description, and the first chapter part.

***

"Anong iniisip mo?"

Natigilan ako. Tiningnan ko siya ng ilang segundo bago ilibot ang tingin sa kabuoan ng kwarto niya. Malaki ito kumpara sa akin sa bahay but it feels homey and cozy. Simple lang, may ilang mga libro pero hindi ko pa nac-check. May playstation din which I think ay para sa kanilang magkapatid.

Sa usual na araw ay never akong magd-decide na pumunta rito. Nagkataon lang talaga na may sakit siya kaya naglakas loob akong pumunta dito sa bahay nila. Hindi ko alam kung anong klaseng magic ang gamit ng babaeng ito at napapunta niya ako rito at hindi lang iyon, napapayag na niya akong maging kaibigan siya.

Maybe she really did get my respect and I kind of trust her now. Sana lang ay tama ang desisyon ko.

"Iniisip ko kung gaano ka kakulit, East," sagot ko na lang. For someone who's sick, siya iyong hindi mukhang mahina. She looks fine.

"Maganda naman!" ungot niya. Bata talaga.

"Bahala ka riyan."

Sa totoo lang, thankful ako na hindi niya ako sinusukuan kahit na minsan tinutulak ko siya palayo. Kaso minsan parang gusto ko siyang bugbugin kapag nasosobrahan sa kakulitan. Hanggang kailan kaya kita magiging kaibigan kapag nalaman mong...

"Lucy!"

"Ano?"

Ngumiti siya ng matamis. Natigilan ako nang humalik siya sa pisngi ko. Anong problema ng batang 'to?

"Masaya ako."

"Palagi naman." Tinaasan ko siya ng kilay. Noong umulan yata ng ka-hyper-an sa mundo, siya ang nakasalo lahat—may extra timba pa.

Yung mga kapatid naman niya, mukhang sakto lang. Si West, medyo nakulangan. Feeling ko gano'n din yung isang kapatid niya na may blue eyes.

"Masaya ako kasi kasama kita."

"Hanggang kailan?"

"Ha?" Mukha siyang nalito sa tanong ko.

"W-wala." Pasimple kong naikuyom ang palad. Mahirap pala.

_____

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now