Chapter 22

10.8K 620 108
                                    

Inayos ko ang buhok ni Lucy habang mahimbing siyang natutulog. Gumalaw siya ng slight pero hindi naman nagising. Napangiti ako.

Napansin ko na mahaba rin pala ang pilikmata niya. I touch it down to her well-pointed nose before caressing her soft cheeks. Lastly, my fingers land on her slightly parted lips. It's so soft like feathers. I let out a content breath and kisses her forehead. She's still beautiful even in her sleep. Ang ending tuloy, ni isang segundong tulog hindi ko pa nagagawa. I just love watching her this close, pakiramdam ko abot na abot ko siya.

I sigh. Hindi ko ine-expect na mahihirapan ako dahil lang sa katabi ko siya. I'm so aware of her presence kaya yung diwa ko nag-hyper mode. Masyado akong na-excite sa idea na magkasama kami sa iisang room and iisang kama.

Kailangan ko talagang mag-thank you ng big time kay West kasi nagpaubaya siya at sa room na lang ni Ate North nakitulog muna. Maybe I'll treat her next time. Iba rin 'yon mag-isip, eh. Alam na alam niya ang gagawin.

Kinakapa-kapa ko yung tip ng fingers ko na mahapdi pa rin hanggang ngayon. Like what Lucy said, tinuruan niya nga akong maggitara. Akala ko madali lang 'yon kaya nasa isip ko expert na agad ako kinabukasan pero hindi. G pa lang ako, iyon pa lang, feeling ko malalagas na daliri ko.

Bakit mukhang madali lang naman no'ng nagp-play siya? Tapos no'ng sinubukan ko, ang hapdi! Learning is hard pala talaga.

"East?"

Napalingon ako kay Lucy na mukhang naalimpungatan. Yung isang mata niya lang yung nakamulat. Napapikit ulit siya at nagkusot ng mata bago ako tingnan ulit.

Hinaplos ko ang buhok niya bago siya ngitian. "Nagising ba kita?"

"Hindi naman. Pero nakita kitang nakanguso riyan na parang may kaaway." sabi niya. Nawala na yung antok sa boses nito.

"Wala naman akong kaaway, eh."

"Bata ka pa talaga," She chuckles before pinching my cheek. "Hanggang ngayon may imaginary friend ka pa rin."

"Wala naman kaya." Hindi ko mapigilang mapanguso. "Dalaga na ako, eh."

"You really like to pout your lips, East." Puna niya sa akin bago haplusin yung lower lip ko. Natigilan naman tuloy ako at napalunok. Mukhang napansin niya pati iyon kaya napangiti siya. "Kiss gusto mo?"

"Pwede?" My heart beats fast. Bigla akong na-excite.

"Saka na." Binelatan niya ako bago natawa nang sumimangot ako. Naman kasi, eh. Magtatanong sabay saka na lang? Sayang yung excitement ko. Galing magpaasa. Paasa! "Aw, lugi ba, East?"

Inismiran ko siya at humiga na lang. Hindi pa ako nakuntento at niyakap ko na lang siya sa baywang habang nakadantay ang ulo ko sa balikat niya. I can smell the shampoo she used. She smells like me. "Ang bango mo, Lucy. Amoy East ka."

"So mabaho ako madalas?"

"Hindi, lagi kang mabango." Bulong ko sa tainga niya bago pasimpleng nilanghap ulit siya sa bandang leeg. Para naman siyang natigilan pero wala namang sinabi. Wala namang masama sa ginawa ko siguro, hindi ko naman uubusin amoy niya, eh. I gave her neck a peck before giggling. "Ayan, na-kiss na kita."

"Baliw." Natawa siya bago niya niyakap yung isang braso niya sa akin. "Matulog ka na, mukhang hindi ka pa natutulog."

Nanlaki yung mata ko. "Paano mo nalaman?"

"Malamang, kanina pa akong gising."

Namula ako sa hiya. Ibig sabihin alam niyang kanina ko pa siya...oh, my gosh. Napapikit ako. Hobby ko na bang ipahiya yung sarili ko? "Sorry, nac-creepy-han ka ba?"

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now