Chapter 32

9.1K 592 37
                                    

"Welcome to our humble abode."

Gusto nang umalis ni Lucy sa hospital kaya ginawan ng lahat ng paraan na ma-discharge siya. Pinayagan din naman siya makalipas ang isang linggo dahil mabuti naman na ang kalagayan niya. Pero binilin ng doctor na kailangan nang makapag-decide ni Lucy sa lalong madaling panahon dahil sakit ang kalaban niya. Mabilis ang paglala nito kaya kailangan itong maagapan agad-agad.

Ayokong pilitin siya and I know na ganoon din ang pamilya niya. We want her to decide for herself. Wala kaming magagawa kung hindi maghintay at magdasal. It's very challenging and troublesome but what can I do? What can we do? Hindi madaling harapin ang takot. I know deep inside, she is still traumatized by suffering too much.

Ang tanging magagawa ko na lang ay mag-stay sa tabi niya at mapalakas ang loob niya sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya na malakas din ako. I don't want her to see me weak, ayoko rin makita niya na umiiyak ako para sa kanya kasi alam ko na gagawa siya ng way para ako ang i-cheer up. Gusto ko ako ang gumawa no'n para sa kanya.

Nakahawak ako sa kamay ni Lucy habang nakaalalay naman sa kanya si Tito Lucio nang makababa kami sa sasakyan nina Via. Sunod din naman itong bumaba kasama ang Mama nila na Lorraine pala ang pangalan. Ilang beses na kaming nagkikita pero ngayon ko lang talaga naisipang alamin ang name niya. Lagi ko kasi nalilimutang magtanong, eh.

Sa kanya pala kinuha yung second name ni Via. Saan naman kaya hinugot ang first name?

Modern style ang bahay nila. Tingin ko halos kasintaas iyon ng bahay namin pero mas malawak nga lang ang amin. Ang astig pala ng ganitong bahay, flat ang tuktok at puro bintana. May balcony rin sila na gawa sa salamin ang harang. The house itself looks cool and futuristic. Cutie!

Sinalubong kami ng isang lalaki na naghihintay sa may pintuan. Mukha siyang nasa early thirties, he looks really young kaya hindi ko masabi kung anong edad niya ba talaga. He's wearing a long sleeve top na color blue at pants. Ang simple niya tingnan pero mukha pa rin itong kagalang-galang. Siguro nasa aura na iyon.

He opens the door with a smile painted on his lips. Lumapit sa kanya si Via para yumakap, sumunod naman si Tita Lorraine at humalik pa sa pisngi nito. The man kissed her forehead in return. Sa tingin ko siya ang papa ni Via, halatang-halata naman, eh.

Naglakad na rin kami palapit. Nauna sa amin si Tito Lucio, nakipagkamay siya doon sa lalaki at nakipag-fist bump pa rito. Kumunot ang noo ko. Parang ang weird nila. Bakit parang close pa sila? Sa kinuwento sa akin before ni Via, hindi ba dapat ilag sila sa isa't isa?

Tiningnan ko Lucy, mukha namang okay lang sa kanya ang nakikita. Pero ilag naman siya sa Mama niya. Tapos hindi sila nagpapansinan ni Via.

Mas complicated pa yata family niya kaysa sa amin.

Napatingin sa akin yung papa ni Via. He smiles although nakikita ko yung pagtataka sa mata niya kung bakit nandito ako. Sino ba namang hindi, mukha akong saling-ketket. "And you are?"

"East po," pagpapakilala ko sa sarili. Ngumiti rin ako like him.

"East...?" He trails off, asking for my last name.

"East Hansen."

"Your surname sounds familiar." Sabi niya. Pinigilan ko namang mapangiwi. Lagi na lang familiar ang surname ko. Ganoon ba talaga ka-big time si Dad? "Anak ka ba ni Luis?"

"Ah, eh, yes po." I nod.

"No wonder you kinda look like him. What a unique name." He chuckles. "Nice to meet you, East. I'm Victor."

"Nice to meet you din po, Tito Victor." Bahagya akong nag-bow.

"Let's go inside."

Magkahawak lang kami ng kamay ni Lucy habang naglalakad, ako na rin ang umalalay sa kanya since nasa unahan namin ang papa niya. Dinala kami ni Tito Victor sa living room ng bahay. May nakita akong matandang nakaupo sa mahabang contemporary sofa na mukha nang kama sa laki. May three mini-tables din sa gitna naka-align ng pahiga. Walang television pero may malaking glass window naman sila. Kita namin ang view mula sa labas. Para akong nasa ibang lugar. Ganoon ang vibes dito, eh.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now