Chapter 7

11.2K 680 64
                                    

Pinilit kong bumangon pero bigla na lang umikot ang paningin ko. Nahihilo ako! Sobrang bigat ng pakiramdam ko, parang pasan ko yata ang Earth ngayon. My lips are chapped dahil masyadong dry. Even my mouth feels dry and, ugh! For sure pangit na naman ang panlasa ko. I get up again but failed. Kinagat ko yung ibabang labi ko sa inis at panghihina.

"East, huwag kang makulit."

"Pero, may pasok—"

"Hindi ka papasok."

Napasimangot ako sa sinabi sa akin ng Ate North ko. Inayos niya ako ng pagkakahiga. Pero, hindi pwede! Magsasabay pa kami ni Lucy na kumain ng lunch! Paano na 'to?

Bakit kasi sa lahat ng araw na pwede akong magkasakit, bakit ngayon pa? Pwede namang sa susunod na linggo na lang. Ito na, eh. Pumayag na si Lucy na maging friends kami, tapos mauuwi lang ako sa ganito.

"Papasok ako, Ate." Pagpupumilit ko. "Kaya ko naman ang sarili ko."

"Just listen to her." Napatingin ako kay West. Saka ko lang napansin nakasuot na siya ng uniform at mukhang ready nang pumasok. Bigla akong nakaramdam ng inggit. "Magpagaling ka muna."

"Pero kasi, ano, eh...may lunch kami ni Lucy." Ngumuso ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang panghihinayang.

Tinitigan ako ni North na parang nagtataka samantalang yung kambal ko, eh, pailing-iling lang. Wala pa nga pala akong nakukuwento sa kanya about sa gusto kong maging kaibigan.

"Ako nang bahalang magsabi kay Lucy."

"Pero—"

"Wala nang pero-pero." Singit ni Ate, "You can go to school once na magaling ka na."

Wala na akong nagawa kung hindi tumango. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo at sabay na silang umalis ng kwarto. Napabuntong-hininga na lang ako nang maiwang mag-isa. Sana lang pagbalik ko ng school pansinin pa ako ni Lucy.

Nagtaklob akong maigi ng kumot. Kailangan kong gumaling. Pumikit ako at umusal ng maikling dasal. Please lang, sana gumaling na ako.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakapikit. Hindi ko sure kung nakatulog nga ba talaga ako o ano, basta ang bigat ng pakiramdam ko. Yung feeling na parang inuuntog yung ulo ko sa pader.

Nangingiwing nagmulat ako at dahan-dahang bumangon. Nagulat pa ako nang makita si Ate South sa gilid ko habang diretsong nakatingin sa akin. Napahinga ako ng malalim.

"Ate naman, walang gulatan." reklamo ko. Buti na lang wala akong sakit sa puso. Blue pa naman yung mata niya, parang manika, eh.

"How do you feel?" tanong niya sa monotone na boses. Hindi ko tuloy alam kung concern siya or what. Pero alam ko naman na concern talaga siya, ayaw lang ipahalata.

"Nahihilo pa rin." Sagot ko sa mahinang boses. Napatikhim ako. "Uhaw din, Ate South."

"Oh." Kumuha siya ng isang basong tubig at inabot sa akin. "Inom."

"Opo."

Mukha na siguro akong pagong sa sobrang kupad kong kumilos kaya inalalayan na ako ng kapatid ko sa pag-inom. Tinitigan niya lang ako pagkatapos.

"Wala kang pasok?" tanong ko. Umiling lang siya.

Tahimik na ulit.

Pumikit na lang ulit ako. I need to rest para makita ko na agad si Lucy. Ngayon pa lang nami-miss ko na siya, eh.

"Get well soon." Narinig kong sabi niya pero hindi ko na nagawang mag-react pa dahil sa biglaang pagkaramdam ko ng antok. Para akong hinihila ng kama para matulog.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now