Chapter 15

9.7K 593 47
                                    

"Yung The Hansen, sa inyo iyon?"

Nilingon ko si Lucy na abala na naman sa paglalaro ng mga daliri niya. That mannerism of her, hindi na nagbago. Kinuha ko yung kamay niya at ako na mismo ang gumalaw-galaw ng bawat daliri no'n. "Yep, bakit? Tsaka saan mo nalaman iyon?"

"Sa Lolo ko." She answers, "He loves the place. Naikuwento niya lang."

Bigla ko tuloy naalala si Lolo Ben sa kanya. Ang alam ko ay may apo rin iyon. Pero ang cute naman yata kung siya yung sinasabi ni Lolo na apo niya. Kung tutuusin ay maraming mga Lolo at Lola ang dumadayo sa coffeeshop at hindi lang iyon! Pati mga teenagers ay suki namin. Kaya nga The Hansen coffee shop is one the best and one of the coziest place here!

"Gusto mo pumunta ro'n?" tanong ko. Para namang nagkislapan ang mga mata niya at mabilis na tumango. "Okay, punta tayo mamaya after class, you want?"

"S-sige."

Tinusuk-tusok ko siya sa tagiliran at inasar. "May excited!"

Napaiwas siya ng tingin. "No."

"Huwag ka na mahiya." Humagikhik ako. "Tsundere ka talaga, 'no, Lucy?"

"Tsundere?"

"Wala." Ngumiti lang ako. I lean forward to kiss her cheeks. "Cute mo."

Hindi na siya nagsalita pero pansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Hindi ko alam kung nahihiya siya o ano. But nevertheless, she's still so cute! I'm so lucky to have her as a friend. Sana palaging ganito, yung magkasama kami. I will trade everything just to have her.

My heart beats fast as I hold her hand tighter. I don't know what is this feeling, I can't name it. I just love to be with her, that's what I want. Hindi naman siguro bad thing iyon kasi wala naman akong iniisip na masama.

"Bakit ganyan ka tumingin?" tanong niya. Na-gets ko naman yung tanong niya pero pakiramdam ko na-caught off guard ako. "East?"

"Wala, ganda mo kasi." Sabi ko na lang. Totoo naman din ang sinasabi ko. Maganda siya.

"Mas maganda ka." Balik sabi niya sa pagpuri ko. "Look," Humaplos siya sa balikat ko pababa sa braso. "Makinis ka at maputi." She caresses my cheeks, leaning close to my face. Hindi ko maiwasang mapalunok. Hindi nakatulong yung mabilis na pag-respond ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? "Even your face, parang walang pores."

Pinilit kong huwag pansinin yung naging reaction sa loob-loob ko at ngumiti sa kanya. "Sus, nambola. Maganda ka rin kaya. Love ko 'yang pagiging morena mo."

Tumaas yung kilay niya at napanguso na parang pinipigilang ngumiti. Hindi ko napigilang kurutin yung pisngi niya.

"Why so cute!"

"Hindi ako cute."

"Cute!"

"Edi maganda ka." sabi na lang niya. Ayaw talaga magpatalo. Mas nagiging cute siya lalo sa paningin ko tuloy. Tumango na lang ako para pagbigyan siya. Ngisi-ngisi naman si Lucy.

"Masyado na tayong nagbobolahan, baka mamaya lumaki na ulo natin." Biro ko sabay tawa. Pati tuloy siya natawa na rin. "Pero ito walang halong bola," Napatigil siya at napatitig sa akin. "Maganda ka talaga lalo na kapag nakangiti."

--

"Irasshaimase, goshujin-sama!"

Lucy giggles at my humored remark. Ang cute kaya kapag Japanese! Kung maid cafe lang itong The Hansen, malamang nag-apply na ako! O kaya yung mga coffee shop na neko inspired. Omg. Gusto ko maglagay ng nyan sa dulo ng sentence ko! Cutie!

Hinawakan ko siya sa kamay at hinila na papasok sa loob. Nginitian ako ng mga staffs nang makita nila ako and I smile back at them. Automatic na iyon. Si Ate naman ang boss nila at hindi ako. Basta customer kami today.

"First time ko lang makapasok sa isang coffee shop." Sabi niya nang makahanap kami ng puwesto. Panay ang paglibot niya ng tingin sa buong lugar, she looks like a kid being amazed watching a certain cartoon for the first time. Hindi ko tuloy napigilang kurutin siya sa pisngi. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng masama. "Malalaylay na pisngi ko kakakurot mo."

"Hindi, ah." Natatawa kong sabi habang pinagmamasdan yung mukha niyang parang nalugi. "Ang cute mo kasi."

Nagtaas lang siya ng isang kilay at hindi na sumagot. She starts playing with her hands again. Humalumbaba ako at pinagmasdan siya. Bakit ba ganito? Bakit hindi siya nakakasawang panoorin kahit na wala naman siyang ginagawa? Bakit ba lahat na lang ng makita ko sa kanya, eh, sobrang nakakaaliw?

She looks at me and smile. My heart suddenly leap, parang saglit na kinapos ako sa paghinga. Napatitig ako sa labi niya. I gulp unintentionally. Nagiging weird na yata talaga ako. Crush ko na ba siya?

Napaisip ako. Pwede, pwede. Feeling ko nga crush ko siya. Ka-crush-crush naman kasi si Lucy, eh. Maganda siya, bagay sa kanya ang pagiging morena. Matangkad din siya. Mabait siya kahit na noong una ay lantaran talaga ang pag-ayaw niya sa akin. I can see that she's really a good person. And the one thing that I love the most about her is her braveness.

May sakit na siya't lahat-lahat pero hindi man lang iyon mababakas sa kanya. She smiles like nothing's wrong.

"Tulala ka na?" She waves her hand in front of me. Napailing ako. "Hindi ka pa ba o-order?"

"Ay, oo nga pala." Humagikhik ako. "Anong gusto mo? Ay wait, pwede ba sa'yo ang kape?"

She nods. "I'm good with any coffee basta masarap."

"Siyempre masarap lahat ng coffee namin dito!" Pagmamayabang ko na ikinangiti niya, humalumbaba rin siya at tinitigan ako. "May alam kasi si Ate North about sa kape kaya nga cafe agad una niyang naisip na business."

Um-order na kami. Desserts lang akin and choco jelly habang frapp naman ang sa kanya.

"Teacher din siya, 'di ba?" I nod at her question. "She's pretty talented."

"Oo naman, complete package na nga iyon si Ate, eh. Boyfriend na lang ang kulang."

"Baka may hinihintay lang." Nakangiting hula niya. Nagkibit lang ako ng balikat. Para kasing nagbabalak tumandang dalaga yung Ate ko na 'yon. Sana talaga dumating na yung lalaking para sa kanya.

"Si Ate South, talented din iyon. Feeling ko nga nalimas na niya lahat ng talent kaya wala nang natira sa amin ng kambal ko." Sabi ko ng pabiro. "Cuteness na lang ang meron."

"Ows?"

"Anong ows?"

"Cute ka? Ows?" Tumawa siya na akala mo kinikiliti. Hindi ko tuloy alam kung uunahin kong maasar o makitawa na lang din.

"Cute kaya ako!"

Tumango lang siya at natawa ulit. Parang hagikhik na ewan. "I think describing you as cute is not the right word."

"Eh, ano? Pangit? Gano'n?" I can't help but pout my lips.

"You're beautiful, East. That's the best word." Tinaas-taas niya ang dalawang kilay at kumindat.

Natigilan ako at napahawak sa may batok ko. Parang biglang uminit yata yung pisngi ko. Wala akong maisip na remark.

"Ano..." I am biting my lower lip. Parang may kung anong gumagalaw-galaw sa tiyan ko. Kailangan ko pa yata mag-cr!

"Cat got your tongue?" She asks, smirking.

Oh, my gosh. Bakit parang nang-aakit yung pag-smirk niya? Ako ba ang nabubuang o siya?

_____

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now