Chapter 10

12K 646 95
                                    

"Kaya ko nang sarili ko."

I pout my lips when Lucy pushes my hand away after attempting to help. Narinig ko naman yung mahinang pagtawa ng kambal ko na kasabay ko lang na naglalakad. Tinitigan ko siya ng masama pero nginisihan lang ako ng huli. Ang bad!

Worried lang naman ako kay Lucy dahil may sakit siya kagabi. Wala na siyang lagnat ngayon pero pwede pa rin siyang mabinat. Ang problema, she insists on attending school kasi ayaw niya raw mapirmi sa bahay just to rest.

Ang tigas talaga ng ulo niya. Hay nako!

Wala akong nagawa kung hindi panoorin na lang siyang maglakad hanggang sa marating ang room namin. West pats me on the back. Tiningnan ko siya ng parang nagpapaawa.

"Tama na 'yang pag-aalala, para ka namang nanay niya." Mahinang sabi niya na may bahid ng pang-aasar.

"Hindi ako parang nanay," Depensa ko at muling napanguso. "Kaibigan ko siya kaya nag-aalala ako."

"Masyado ka naman yatang nag-aalala."

Umismid ako at sinimangutan ang kakambal ko. Hindi ko na sinagot yung sinabi niya nang makaupo kami sa sariling pwesto namin. Hindi ko naman mapigilang mag-alala kaya gano'n, at saka, napakasakitin ni Lucy. Para bang kailangan siyang laging bantayan.

Wala namang ibang titingin sa kanya sa classroom kung hindi ako lang. Kasi ako lang naman ang kaibigan niya. Mabuti na lang talaga at nandito ako. Ako na ang superhero ni Lucy from now on! Napahagikhik ako. I'll be her Supergirl.

Pinagmasdan ko si Lucy na nasa tabi ko lang. Matamlay pa rin siya pero hindi na katulad kahapon. Sinigurado ko namang naasikaso ko siya ng maayos noong nasa bahay namin siya, eh. Alagang East Hansen siya kaya.

"Lucy," Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. She looks at me without any emotion on her face. I can't read any bit of what she's thinking. "Okay ka lang?"

Tumango siya at nag-iwas na ulit ng tingin. Napakamot na lang ako sa sentido ko. Ito na naman siya, nagiging aloof na naman sa'kin.

"Lucy..." Tawag ko sa kanya, prolonging her name like a kid who's craving for attention. Hindi niya pa rin ako pinapansin kaya yumapos na ako sa kanya.

"East, mainit." Saway niya sa'kin habang sinusubukan akong ilayo sa kanya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagyakap. "East."

Pasimple ko siyang inamoy at napangiti. She smells like me, siguro kasi sa amin siya nag-stay kagabi and ginamit niya ang ginagamit ko sa pagligo. Pero kahit gano'n, hindi nakaligtas sa ilong ko yung natural scent niya. Nakaka-attract. Hmm, bango!

"You smell good kamo, Lucy." Bulong ko sa may bandang tainga niya. Para pa siyang natigilan sa ginawa ko. Baka nakiliti. Tinulak niya yung mukha ko kaya sinimangutan ko siya. Umiling-iling naman siya na akala mo kunsuming-kunsumi sa pinaggagawa ko. "Bad mo, Lucy!"

"Yakap ka ng yakap, eh, ang init."

"Hindi naman kaya mainit." Sabi ko at nginusuan siya. "Lucy, Lucy!"

"Bakit?"

Humagikhik ako sa biglang naisip. "Pwede pumunta sa bahay ninyo mamaya?"

Kumunot yung noo niya. "Bakit?"

"Gusto kong makita Papa mo." Sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay na akala mo sobrang nakaka-alien yung sagot ko. "What?" Kumunot ang noo ko. "Bawal bang makita yung taong nagpalaki sa'yo?"

"Ewan."

"So, pwede ba ako—"

"Hindi."

"Pero—" Hindi ko na natapos ang pagp-protesta ko nang dumating na yung teacher namin na sinaway agad sina classmates sa pagdadaldal.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now