Chapter 14

9.9K 569 15
                                    

Pinunasan ko yung luha ko at napabuntong-hininga. Hindi naman ako iyakin, alam ko iyon. Pinaka-ayaw ko sa lahat ang umiiyak. Ang huling pag-iyak ko pa sa pagkakatanda ko ay noong nawala si Mama.

Bakit ganito?

Buhay pa naman si Lucy pero bakit ang sakit na agad to the point that I've been crying already? Hindi ko na nga alam kung ilang beses na akong umiiyak sa loob ng maraming araw. Ang hirap pala na buhay naman iyong tao pero alam mong may possible deadline.

Napailing ako. Hindi, hindi ko dapat isipin iyon. Okay lang si Lucy. Gagaling siya, alam ko iyon. Gagaling siya. Malakas naman ako kay Lord, eh. Ipagpe-pray ko siya! Magso-sorry ako na hindi ako palasimba tapos magwi-wish ako na sana ma-restore ang health ni Lucy!

"East," Napalingon ako sa kanya. Bihira siyang ngumiti pero iyon ang ginagawa niya ngayon. "Huwag ka na umiyak."

Ngumuso ako. "Hindi naman ako naiyak, napuwing lang ako." Palusot ko pero umiling lang siya. Halatang hindi naniniwala.

Hindi kami nakapunta sa University Games dahil ayaw niya talaga kaya hindi na lang din ako pumunta. Ilang araw na akong nalulungkot simula noong sinamahan ko siya para magpa-check up.

Nalaman ko na matagal nang may sakit si Lucy. Bata pa lang siya, ganoon na. Nagpa-chemo siya at the age of sixteen para daw hindi na mas lumala pa. Isa iyon sa reason kung bakit late siya nakapag-aral. Kinailangan na niya kasing huminto bago pa siya makatapos ng highschool.

Successful naman iyong buong therapy niya, iyon ang kwento niya. Pero ang sabi ay may chance daw na magka-relapse ang sakit niya, at ito...ito na ngayon. May sakit na siya. Now she have to suffer again and I hate it.

Sabi ng doktor, may chance naman na gumaling ulit siya kung mag-u-undergo siya sa isang autologous stem cell transplant—isang klase ng transplant wherein her own blood-forming stem cells are collected. She will be then treated with high doses of chemotherapy. Pinapatay no'n yung cancer cells, pero napapatay din no'n lahat ng blood-producing cells that are left in the bone marrow. Pagkatapos no'n, the collected stem cells will be put back into Lucy's bloodstream, allowing the bone marrow to produce new blood cells.

May chance naman na maging successful yung gagawin kay Lucy kung sakali since natapos niya yung chemotherapy niya before and effective naman. Pero hindi rin maaalis na maaaring mag-fail naman iyon this time lalo na't she can be prone to viruses and infection during the therapy.

Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para sa kanya. Kung naishe-share lang ang sakit niya baka inako ko na, eh. Ayoko ng ganito.

Hindi ko rin alam kung kanino ako lalapit para mag-open. Ayoko nang pag-alalahanin sina Ate lalo na't injured ngayon si Ate South dahil sa last game niya. Halos lahat nag-aalala sa kanya—even my twin sister. Ayoko nang dumagdag sa iisipin nila.

Kahit nasasaktan ako, hindi ko pinapakita. Ayoko. Ayoko kasi na pati sila madamay sa lungkot ko. Pero ang weak ko pa rin kasi kahit anong tago ko, si Lucy naman ang nakakakita kung anong nararamdaman ko. Ayokong umiyak sa harap niya pero hindi ko mapigilan.

"This is the reason why I don't want to befriend you." Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang sariling daliri. Inayos niya rin ang buhok ko. "Ayoko kasing may umiiyak para sa akin."

Hindi ako nakasagot. Tinitingnan ko lang siya. Ang tapang niya. At ang ganda niya pa rin sa kabila ng sakit niya.

"Sinabi ko sa'yo ang sakit ko hindi para iyakan ako. Sinabi ko iyon sa'yo dahil ayokong malaman mo kung kailan huli na." Humiga siya sa kama niya pero sa hita ko siya nakaunan. "Kadramahan lang kasi kung hihintayin ko pang makita mo yung clue kung pwede ko naman nang ibigay ang sagot. That's a stupid cliché I think."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now