Chapter 37

9.5K 635 79
                                    

"Si Lover Girl, may date na namern." Pang-aasar sa akin ni Jadey na may kasama pang 'ayie'. Napailing na lang ako habang natatawa. Naman, eh, Kinikilig ako! "Naks!"

Binelatan ko lang siya lalo na nang tusuk-tusukin niya ako sa tagiliran. "Mag-date din kasi kayo ni Ate South para hindi ka naiinggit diyan!"

"Nagde-date kaya kami." Sagot niya, "Kaso laging third wheel mga art materials niya," Natigilan siya, ilang segundo lang din ay kumunot na ang noo nito. "O baka ako ang third wheel?"

"Mas dine-date niya pa yung art materials niya kaysa sa'yo?" Tanong ko. Mas lalong sumama timpla ng mukha niya kaya natawa ako. "Ano ka ba, siyempre ikaw dine-date no'n."

"Parang hindi."

Nagkibit ako ng balikat. "Kahit hindi mo gusto, may magiging karibal ka talaga, 'no?" I end up chuckling teasingly. "Minsan tao, madalas yung hobby."

"Umalis ka na nga lang, late ka na." Ungot niya bago napasandal sa sofa.

Hindi pa naman ako late pero pinili ko na lang na huwag sumagot at bumalik sa kwarto nang may maalala ako. Nakaayos na ako't lahat-lahat, kailangan ko na lang talaga umalis. Kaso maaga pa. Tsaka si Ate North ang maghahatid sa amin gamit ang sasakyan niya although hindi ko pa rin alam kung saan kami talaga pupunta. Sa sobrang excitement ko lang talaga kaya napaaga ako.

Wala, eh. May date, eh. Kakilig! Maisip ko pa lang yung mga pwede naming gawin, eh, kinikiliti na agad yung kalamnan ko. I can't help but bite my lower lip to suppress myself from smiling more.

Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin nang makarating akong kwarto. Mukhang babagay naman sa date namin ngayon itong suot ko. I think this statement croptop and highwaist jean paired with canvas shoes really suits me. Napatango ako sa sarili.

You look great, East Hansen.

Kinuha ko na yung DSLR ko pagkatapos at lumabas na. Hindi ko naisip na magagamit ko pala talaga ito. It's a gift from my Dad.

I used to dream to be a photographer back when I was a kid. Masaya kasi mag-take ng picture. Naaalala ko noon, pinapahiram pa ni Ate North yung phone niya sa akin. Panay kuha lang ako ng litrato hanggang sa mapuno ko na yung gallery niya. We printed some of the pictures that I really love and then ginawa kong collection album. Nakatago lang lahat iyon sa closet ko.

Nasa living na room na rin si Ate North pagdating ko. Mabilis siyang lumapit sa akin.

"Ready?" She smiles.

Tumango ako. Pinakita ko sa kanya yung DSLR ko. "Picture?"

"Sure." She motions Jadey to come with her at ganoon na rin si Ate South pati si Westy. Sakto namang nandito sila. "Let's take a pic together."

Umakbay si Jadey sa dalawang ate ko. Solid lang yung pagngiti ni Ate North samantalang yung dalawa pa ay bored lang na nakatitig sa camera. Hindi ko maiwasang mapanguso sa itsura nila. "Ngumiti naman kayo!"

Westy shook her head before smiling. Si Ate South lang itong pinanindigan yung poker face mode niya. Napabuntong-hininga na lang ako as I position myself, getting the perfect angle. "Game! One, two, three!"

--

On the way na kami papuntang somewhere dahil hindi ko pa rin talaga alam kung saan ang punta namin. Kasama ko na si Lucy at siyempre, dakilang driver for the day si Ate North, although may kasama rin siya. Si Girly. Gail talaga ang name niya kaso pangit naman ng Gaily kaya Girly na lang para cutie! Babaeng-babae, ganern! 'Di ko mapigilan yung hagikhik ko sa mga naiisip.

"Okay ka lang?"

Napatitig ako kay Lucy, she's just smiling at me na para bang aliw na aliw siya sa itsura ko. Hinigpitan ko lang yung pagkakahawak ko sa kamay niya. She looks so beautiful like always. I like her pink long sleeve dress that falls perfectly just below her knee. She just let her hair down although naka-half crown braid yung hair niya na. She looks incredibly simple yet appealing. Hay, bagay talaga kami.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now