Chapter 33

9.3K 525 113
                                    

Sabay na pumasok ng school sina Via at Lucy pero kung titingnan ang dalawa ay aakalain mong nagkasalubong lang ang mga ito sa daan at nagkataong parehas lang ng pupuntahan ngunit hindi magkakilala.

If I know, lumalambot na rin ang loob nila sa isa't-isa. Napahagikhik ako sa thought na iyon. I think that will be awesome.

Lucy's eyes lit up when she see me. I can't see her lips because of the face mask but I know she's smiling. Via smiles, too. Sumabay siya kay Lucy na papunta sa akin instead na puntahan ang mga kaibigan. Nagtataka na talaga ako, baka nagtatampo na mga friendships niya. I look at her friends, mukha namang masaya sila.

"Good morning." They both greet me.

"Good morning!" Bumati ako pabalik. Umupo si Lucy sa tabi ko habang nanatili namang nakatayo si Via. She's just looking at me with a smile on her lips. Tinitigan ko lang siya pero talagang hindi man lang nawala ang ngiti niya. She looks weird so I decided to ask. "May problema ba, Via?"

She shakes her head and smirks. "I just always find you beautiful, that's all."

Lucy fakes a cough. Halatang peke kasi literal na ehem lang ang ginawa niya. Via stares at her with her eyebrow raised. She looks masungit in a split second.

"May problema ba, Gamboa?"

"Wala naman."

Napakamot ako sa ulo ko. Bakit parang nangyari na ito dati?

"Anyway, East." She looks at me sweetly. "Since alam ko namang hindi ka sasama sa akin mamayang lunch because of Gamboa, can I invite you for dinner na lang later?"

"Uh..." Napatingin ako kay Lucy. Hindi ko na naman mabasa yung expression niya. Nahihirapan ako mag-decide! "Ano..."

"Nililigawan kita, remember?" She asks, trying to take advantage of the situation. "I believe I deserve a chance. At isa pa, dinner lang naman ang hinihingi ko."

"Eh..." I bit my lower lip. Kapag pumayag ako, baka magtampo si Lucy. Kapag hindi naman ako pumayag, baka isipin naman ni Via na unfair ako. Hindi ko naman siya mababasted kasi alam kong hindi naman siya susuko. Dinner lang naman. Wala naman sigurong masama? Kahit ako sigurado!

Lucy touch my hand kaya napatingin ako sa kanya. She nods slightly. As in super slight, it's like she's encouraging me or something. Wala akong mabasang kahit ano sa mata niya. Maybe she wants to be fair, too?

"Okay." Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Dinner tayo."

"Yes!" Via clenches her fist victoriously, halos hindi na mabura ang ngiti sa labi nito. "It's a date!"

"Huh?"

Kumindat lang siya imbes na sumagot. The next thing I know, nandoon na siya sa tabi ng mga kaibigan. Nakipagkwentuhan siya sa mga kasama na para bang wala siyang sinabing date sa akin.

"Good luck sa date ninyo mamaya."

"Hala?" Kunot ang noong napatitig ako kay Lucy. Nginusuan ko siya. Halatang-halatang nagseselos, eh. Umiwas lang siya ng tingin. Kinuha niya ang notebook sa bag at nagsulat sa likurang part nito. She's just doodling something. "Lucy."

"Hm?" She hums. Hindi man lang siya lumingon sa akin.

"Selos ka ba?"

"Oo."

"Eh, bakit ka kasi tumango sa akin?"

"I want to be fair." Mahinang sabi niya. May sinulat siya sa notebook niya na binasa ko naman.

She's still my sister.

Napangiti na lang ako sa kanya. She's so sweet.

--

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now