Chapter 36

9.1K 571 51
                                    

"East, para kang kiti-kiti." Puna sa akin ng kambal ko nang mapalingon siya sa gawi ko. Kanina pa kasi ako panay ang pag-sway ng ulo habang nakasandal sa headboard ng kama ko. Masaya ako, eh!

"Hindi ka pa ba sanay sa akin?" Nangingiti kong tanong. I even hum happily while scrolling through my cellphone, binabasa ko yung palitan namin ni Lucy my love ng mga mensahe. Hay...ang saya mabuhay.

"Sanay na," Sagot niya na may kasama pang pabirong pag-irap. "Pero parang ang saya mo naman masyado."

"Lagi naman akong masaya, eh."

Nagkibit siya ng balikat. "Kayo na ba?"

"Hindi pa." Masaya ko pa ring tugon. "Pero malapit na."

"Naman pala."

Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Siguro nga wala pa kaming label ni Lucy pero ayos lang iyon, at least mutual kami ng feelings. Sure naman ako sa mga susunod na araw ay magiging kami rin. Wala namang nagmamadali sa amin, eh. Kailangan chill lang dapat, let things take slowly.

Pasasaan ba't sa pagiging magkasintahan din naman ang punta namin. Nays wan for me!

"Westy!" Tawag ko pero siya naman ngayon ang titig na titig sa sariling phone habang tuluy-tuloy ang pagt-type. I made a face. Sinutsutan ko siya pero hindi niya ako pinansin.

Napasimangot ako. Tingnan mo 'to! Bigla na lang akong iis-snob-in!

"Ganyanan, hindi namamansin!" Ungot ko. Saka lang siya tumingin sa akin pero ilang segundo lang. Grabe talaga!

"Bakit?" She asks in a nonchalant way without sparing me a glance. Mahal na mahal talaga niya cellphone niya.

"'Di ba nililigawan ka ni Valeen?" I grin.

Saka lang siya nagbaling ng tingin sa akin. Wala akong mabasang emotion sa mukha niya. "Tsismosa ka na?" She deadpans.

Napanguso ako. "Sinabi lang kaya sa akin ni Valeen!"

"Iyon naman pala," She shrugs her shoulder. "Why still asking?"

"Sungit!" Nakasimangot na tugon ko. "May regla ka ba?"

"Wala naman. Ikaw?"

Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Kailan mo siya sasagutin? Or may balak ka nga bang sagutin?"

Nagkibit lang siya ng balikat at tuluyang humilata sa kama niya. Mukhang ayaw na talaga niyang sumagot kaya hinayaan ko na lang. Kinalikot ko na lang ang phone ko at sinimulang tawagan si Lucy my loves. I'd like to hear her voice. Ilang ring lang din ay sumagot na ito.

"Hello?" She greets sleepily. My heart automatically responds with her voice, it's beating so loud. "Aga pa, ah."

"Nine na kaya ng umaga," Napapailing na saad ko. "Up for a walk?"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Wala," Napahikab siya pero bakit ang cute pa rin pakinggan? Oh, my. She's so perfect! "Anong oras ba?"

"Around ten and a half?" Tantiya ko since mag-aayos pa ako. "Sunduin kita. Ayos lang ba sa iyo ang bike?"

"Magbi-bike ka papunta rito?" Hindi makapaniwalang tanong niya, halata ring nawala na agad ang antok nito.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko, "Pwede naman, ah?"

"Oo nga pero hindi ba malayo? Mapapagod ka."

Napahagikhik ako. "Concern yung love ko?"

Ilang segundo rin siyang natahimik. Sus, kinikilig lang siya, eh. Cutie!

"Ikaw na ngang bahala." I hear her sigh. "Basta huwag ka magrereklamo kapag nanakit iyang binti mo."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora