Chapter 27

10.3K 578 141
                                    

"Huwag ka ngang ganyang tumingin!"

Grabe, ngayon ko lang naranasan 'to. Hindi ko tuloy alam kung anong nararamdaman ko. Naiilang ako na nahihiya na parang gusto ko na lang lamunin ng lupa.

"Bakit ang layo mo sa akin?" Lucy asks. Hindi pa rin nabubura sa mukha niya yung pang-asar na ngiti. I didn't really think that she's capable of teasing me this way. Ang layo ng side niyang 'yon sa kanya!

Umiling lang ako at ngumuso at napahawak nang mahigpit sa collar ng suot kong t-shirt. Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Halos naririnig ko na.

Paano ba naman kasi, kulang ang salitang gulat nang makita ko siya kanina sa tapat mismo ng pintuan ng banyo ko. Tuloy, nakita niya ako ng malapitan, wearing only a towel! At ang mas nakakahiya ay noong pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago ngisihan.

Ang daya! Ni hindi ko nga siya sinisilipan noon tapos siya...tapos siya...ang meanie!

"Halika na rito." She bursts into laughter. Nakakahalina man pakinggan yung pagtawa niya ay nagmatigas pa rin ako at talagang nanatili lang na nakatayo.

Nakakahiya!

Kahit na sinabi niyang ang puti at ang kinis ko, na ang slim ko raw at halata yung curves ko kahit naka-towel... Napalunok ako. Mas nakakahiya masabihan ng ganoon! Ang pervert ni Lucy!

"East, halika na rito, please?" Ngayon naman ay pinalambing niya ang boses niya. Bumigay na rin ako. Mabagal na naglakad ako palapit sa kanya. Nang hindi makuntento ay hinila pa niya ako para makaupo sa tabi niya. Hinawakan niya yung buhok ko na basa pa. "Napikon ka ba?"

"Hindi." Diretsong sagot ko bago mag-iwas ng tingin sa kanya. Nakakatunaw siyang tumitig, eh. "Ang pervert mo. Ayaw mo ngang silipan kita diyan, tapos ako..."

Natawa siya kaya lalo ko siyang sinimangutan. Kung hindi niya lang hawak nang mahigpit ang kamay ko ay malamang kanina pa ako nakalayo sa kanya. "May towel ka naman, ah?"

"Kahit na! Ikaw kaya makita kong naka-towel lang, okay lang sa'yo?" Mas lalo akong namula sa thought na iyon. Ayoko siya silipan, baka mag-nosebleed talaga ako katulad sa mga napapanood kong anime. Naalala ko tuloy si Sunako Nakahara, grabe nosebleeding no'n, eh.

Hindi siya sumagot. Tumayo siya at kinuha yung hair blower ko na naka-display lang sa may vanity mirror namin ni West. Lumapit siya sa akin pagkatapos iyon isaksak sa wall outlet na nasa gilid ng bedside table at i-on. Itinapat niya yung blower sa ulunan ko. "Patuyuin natin hair mo, hm?"

"Eh, okay." Tumango ako at ngumiti. Madali naman akong kausap, eh. Pinatagilid niya ako then pumuwesto siya sa likuran ko. Sinimulan na niyang patuyuin ang buhok ko. "Madalas kambal ko gumagawa nito for me then vice versa."

"Sa akin wala, wala naman akong blower, eh." Natawa ako sa sinabi niya kahit ang serious ng boses niya. "Ang saya pala nito. I'd get to touch your hair."

Napangiti ako kasi ang cute ng sinabi niya. "Pwede mo naman hawakan hair ko anytime and anywhere, hindi naman ako maarte. Next time blower din natin yung sa'yo."

"Sige, iuuwi ko 'tong blower ninyo."

"Huwag naman."

"Joke."

Natahimik na kaming dalawa. Yung sound na lang ng blower ang maingay, parang nagpapapansin. Napapikit na lang ako. Ang gentle ng kamay niya, nakaka-relax. Pakiramdam ko makakatulog ako kung ganito siya ka-gentle.

Kaagad akong nahiga nang matapos si Lucy. Ibinalik naman niya yung blower kung saan niya iyon nakita bago siya naupos sa tabi ko. Feeling ko may aftermath pa ako noong paghaplos niya sa buhok ko kaya kinuha ko yung kamay niya at nilagay sa ulo ko. Nginitian ko, "Laruin mo buhok ko, Lucy."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now