Chapter 20

11.5K 640 117
                                    

"Huwag kang tumulala." Sabi niya sa akin ng pasungit. "At least say something."

"Anong sasabihin ko?" Hay. Lutang talaga feeling ko. Naririnig ko naman siya pero hindi ko siya ma-gets na ewan. Bakit ganito? Para akong nasa ulap. Sana naman hindi panaginip 'to dahil kung hindi, magwawala talaga ako.

"I just said I like you, too." She says smoothly like it's just natural for her to say those words. Nagpakitang gilas na naman ang puso ko at kaagad na bumilis ng triple ang tibok. Hindi ba talaga ako nananaginip? Seryoso? First ever confession ko, hindi rejected?

"Paki-pinch naman ako." I reply instead, "Kapag ito panaginip lang, magwawala talaga ako."

She smiles like a kid. "Baliw ka talagang bata ka."

"Hindi ako bata." I pout my lips childishly. "Kurutin mo na kasi ako! Baka mamaya tulog pa pala ako tapos magigising ako na gagala pa lang pala tayo. Hindi ko na kaya ulitin yung confession ko, 'no!"

"Hindi ka nananaginip, East. Huwag mo akong gawing panaginip."

"Seryoso?" tanong ko, "Ang hirap maniwala."

She smiles while shaking her head like I'm a hopeless case. Para kasing masyadong madali ang lahat. Ewan ko, feeling ko kailangan ko ng proof na hindi 'to part lang ng imagination ko. Lucy doesn't know how much I dreamed of this. Ni hindi ko rin alam na capable ako na makaramdam ng ganito.

"Gusto mo talagang malaman kung panaginip 'to o hindi?" tanong niya. Tumango naman agad ako. "Okay."

Akala ko kukurutin na niya talaga ako nang hawakan niya yung braso ko. Hindi na ako halos nakapag-react nang ihiga niya ako sa kama. Bago pa ako makapagsalita ay bigla na lang niya ulit akong hinalikan.

And again, naramdaman ko na naman yung softness ng lips niya. Pasimple kong nilanghap ang natural scent ni Lucy na mas lalong nakapagpabaliw sa sistema ko.

Natanga ako ng ilang segundo. Si...si Lucy ba talaga 'to? Bakit ang lakas ng loob niyang halikan ako samantalang todo pigil ako sa sarili? Hindi naman sa ayoko nito, I love it pa nga, eh. Naa-amaze lang ako sa pagiging confident niya. Iba pala ang kiss, nakakasira ng katinuan.

"Ouch!" Naitulak ko siya ng kagatin niya yung lower lip ko. "Bakit ka nangangagat?"

"Masakit?"

"Masakit? Siyempre!" Dinilaan ko yung lower lip ko. Feeling ko nagsugat yung kagat niya kahit wala akong malasahang dugo. Grabe 'tong babaeng 'to. "Bad ka!"

"Akala ko ba gusto mong malaman kung panaginip 'to o hindi?" May bahid ng panunukso sa boses niya. "Ano?"

Sinimangutan ko siya. "Bakit ang mean mo ngayon? Tapos ang aggressive mo pa." Sabi ko na lang. Ngayon alam ko nang totoo talaga 'to.

Nagkibit siya ng balikat. "Masaya lang ako. Akala ko talaga one-sided lang nararamdaman ko."

"Ibig sabihin matagal mo na akong gusto?" Nangingiti kong tanong. Parang hinahalukay yung tiyan ko na ewan. Kung kilig 'to, parang ayokong kiligin ng sobra. Nakakakiliti na hindi ko malaman, eh. Pero, aww, hindi ko ine-expect 'to.

"Secret." She hushes. Hinawakan niya yung lower lip ko habang nasa ibabaw ko pa rin siya. "Sobrang sakit pa ba?"

Umiling ako. Hindi ako makapagsalita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganoon? Bakit parang mas nahuhulog ako? Why does she have to be so sweet? Nas-speechless ako ng sobra, eh, hindi naman ako usually ganito.

Humiga siya sa tabi ko. Tinitigan ko siya habang nakatulala naman siya sa kisame ng kwarto. Napatingin ako sa wall clock sa right side ng pintuan ni Lucy. Quarter to eight na pala ng gabi. Ang bilis ng oras.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin