Chapter 21

11.1K 648 112
                                    

"Late yung periodical exam natin," ungot ko. Hindi naman sobrang late pero parang ganoon pa rin. Supposedly standardized ang schedule ng exam pero medyo nahuli kami compare sa ibang satellite ng school namin. Wala namang nagbago, eh, magre-review pa rin naman.

"Mag-aral ka na lang." Lucy says habang kumakain. Ampalaya ang ulam niya. Ewan ko pero napapangiwi ako sa ginagawa niya kahit na mukhang hindi naman siya napapaitan do'n. "Bawal bumagsak."

I pout my lips and she just shakes her head in return.

Dito kami sa garden nagpunta after um-order ng foods. Sa totoo lang iniiwasan ko talagang makalapit sa amin si Via. Hindi ko makalimutan yung awkward encounter namin noong nakaraang araw lang. I think Lucy likes the idea, too, because she's not saying anything.

Hindi naman namin iyon napag-usapan pero tingin ko ayaw niya rin naman i-open yung about do'n. Kahit kasi ako mas gugustuhin ko na lang manahimik kasi lalaki lang ang usapan.

Naisip ko na normal lang naman na may isa o dalawang magkakagusto sa isang tao. Pero hindi ko naman kasi gusto si Via, she's too odd, parang laging may tinatago kahit open naman siya makipag-usap.

Alam ko kasi ganoon din ako. I think mas madali kong naa-assess yung tao because of commonalities. You can easily identify something kasi pwede lang mag-based sa experience or state of being mo.

Nakatunganga lang ako nang matapos kumain. Si Lucy naman panay aral lang nang matapos. Bored na tinitigan ko siya. "Lucy, Lucy!"

"What?"

Ngumuso ako at hinila yung notebook niya para itago. Nakakaselos na notebook, sarap sunugin. "Bored ako!"

"Review ka." maikling sagot niya. Akmang kukunin niya pa ang notebook pero mabilis ko iyong naiwas at nalagay na sa bag ko. Bumuntong-hininga siya. "East."

"Puro ka naman review, eh." Nakasimangot na sabi ko, "Matalino ka na, papasa ka na!"

"Matalino, eh, pasang-awa quiz ko sa math?" She wears a poke face expression.

"Edi matalino ka maliban sa math!"

"Pasang-awa rin ako sa social studies and Filipino."

"Edi maliban sa mga subject na 'yon." Muli ay ngumuso pa ako. Niyakap ko siya sa braso at hinila-hila. "Lucy!" I say, prolonging her name like a kid. "Mamaya ka na aral. Mamaya na."

"Bakit ang kulit mo?"

Humagikhik ako. "Sus, ayaw mo?"

"Minsan gusto kitang ibitin ng patiwarik." Ngumiti siya kahit nakakatakot yung binitiwan niyang salita. "Kaso baka mag-enjoy ka."

"Grabe ka, meanie!" Nagpadyak ako. "Tingin mo sa'kin, masokista?"

"Joke lang." Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Automatic namang kumabog ng mabilis ang dibdib ko at yung mga something-something sa tiyan ko ay present na naman. "East?"

"Yap?" I answer, popping the letter p.

"Marunong kang kumanta?"

"Hmm, sakto lang para magkaroon ng biglaang ulan." Seryosong sabi ko na ikinatawa naman niya. "What?" Natatawa na rin tuloy ako. "Totoo kaya!"

"Kanta ka nga." utos niya.

"Ih, ayaw ko." tanggi ko. Feeling ko isa ako sa pabebe girls sa tono ng boses ko. "Pangit kanta si East. Kanta ka na lang, ikaw na lang."

Humalumbaba siya gamit ang isang kamay niya at mariin na naman akong tinitigan. Pasimple akong napahugot ng hininga. Naman, oh, bakit ganyan siya tumingin? Nakakapanlambot!

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora