Chapter 5

12.1K 636 31
                                    

"Lolo Ben, Lolo Ben."

Mahinang napatawa siya sa akin habang ako naman ay humagikhik lang. Magaan siya kausap sa totoo lang kaya hindi ko maiwasang maging friendly sa kanya. Meron kasi siyang vibes na okay lang na magpakatotoo ako kasi he won't mind. I can see in his eyes the wisdom and acceptance. Ang hirap i-explain. Basta ang alam ko, para siyang yung klase ng tao na mulat na sa mga bagay-bagay.

Maybe that's what old living long does to people.

"Masayahin ka talaga, ano, East?"

"Opo!" Pagsang-ayon ko. Naubos na niya iyong kape niya pero hindi pa rin siya umaalis. Masaya raw akong kasama kaya gusto niyang makipagkwentuhan pa kahit saglit. Nakailang order na rin ako ng dessert. Sarap! "Maalala ko po, hindi ba po nasabi ninyong may apo kayo? Nasaan po siya? Kasama ninyo?"

"Hinay-hinay lang sa pagtatanong at mahina ang kalaban." He chuckles. "Nakatira siya sa Papa niya pero madalas naman kaming magkita."

"Buti naman po." Sa edad ni Lolo Ben, mahalaga yung nakakasama niya yung mga important persons sa buhay niya. Life is short. He should enjoy life while it lasts. "Maganda rin po yung strong yung bond sa family ninyo."

"Tama ka." Ngumiti siya ero napansin ko na parang may dumaang lungkot sa mata niya. Mabilis lang iyon kaya hindi ako sigurado. "Siguro ganyan din sa pamilya mo, 'no? Mukhang maganda ang pagpapalaki sa iyo."

Isang ngiti lang ang binigay ko sa kanya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na ako na aalis na. Gusto ko rin kasing dumaan sa park. Hindi naman mainit kaya ayos lang.

Napagdesisyunan namin ni Lolo Ben na magkita ulit next week para magkwentuhan. Gusto ko lang ulit siya makita. Masaya kasi siyang kausap at ang dami niyang alam. Halatang matalino sa buhay. Hay, ang saya magkaroon ng lolo.

Wala na kasi ang mga magulang ni Mama tapos yung kay Dad naman, matagal nang nag-migrate. Ewan ko ba kung anong meron sa abroad, masaya naman dito sa Pinas. Mainit nga lang. Hay. Baka ayaw nilang mainit.

Nakarating ako sa lugar na gusto kong puntahan. Park siya, as in, yung may playground. Meron din dito sa aming isa pang park na mala-sports center. May malawak na field, basketball court, mga gano'n.

Natigilan ako nang mapansin na may taong nakaupo sa swing. Familiar yung built ng katawan niya. That slim looking gal. Napangiti agad ako at lumapit. "Lucy!"

Mabilis siyang napalingon sa akin. Napansin ko yung gulat sa mata niya pero agad din namang nawala. Idinuyan ko yung swing niya habang nangingiti. Sa sobrang saya ko pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa lakas ng tibok.

"Bakit nandito ka?"

"Naglalagalag." Sagot ko, "Buti na lang naisipan ko kasi kung hindi, hindi kita makikita."

Hindi siya sumagot. Pumunta ako sa harapan niya at pinagmasdan siya sa suot na white t-shirt at checkered na shorts. Ang kinis ng binti. Tumaas ang tingin ko papunta sa mukha niya, simpleng naka-pony lang ang buhok nito. Napatitig ako sa mata niya at muling ngumiti. "Ang ganda mo."

Napansin kong pinaglalaruan na naman niya ang sariling mga daliri. Ngayon mas na-confirm ko mannerism na niya talaga 'yon. "S-salamat."

Ang cute talaga...

"Malapit ka lang ba rito?" Naupo ako sa katabing swing.

"Bakit?"

"Natanong ko lang." sagot ko. "And because I'm interested."

"Malapit lang."

"Talaga? Pwede bang—"

"Hindi."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now