Chapter 4

12.2K 677 48
                                    

"You looked like West right now."

Naguguluhang napatingin ako kay Ate South na bigla na lang lumitaw sa tabi ko. Nandito ako sa living room. Ayoko sa room namin ng kambal kasi wala naman siya. Mag-iisip lang ako masyado, eh.

At least dito sa sala, pwede akong ma-distract kahit kaunti. Hindi ko kasi talaga makalimutan yung muntik ko nang gawin kay Lucy habang natutulog siya.

"How did you say so?" tanong ko, "Eh, kambal nga kami."

"She's more serious than you." Sagot niya habang nagta-type ng kung ano sa phone. Palagi na lang siyang ganyan, wala nang inatupag kung hindi ang phone niya. Dinaig pa ako.

Hindi ko na-e-enjoy gumamit ng cellphone kasi una sa lahat, lahat ng fun ay nakikita ko sa paligid ko. Ayoko yung palaging nakayuko para lang sa cellphone dahil baka hindi ko makita yung magagandang bagay na nasa harapan lang nating lahat.

"Pwede rin kaya akong maging serious." I pout but she didn't notice. "Ate South, pansinin mo ako!"

Hindi siya nag-react. Napasimangot ako. Kung kailan naman gusto ko magpapansin saka siya mananahimik. Ang gulo talaga ng ugali niya pero love ko pa rin siya ng super.

"If something is bothering you, face it, instead of trying to distract yourself. You're just prolonging your problem."

Kunot-noong tinitigan ko siya. Saan nanggaling yung sinabi niya? Tsaka paano niya nalaman na may iniisip ako? Ganoon ba ako ka-transparent sa kanya?

Magtatanong pa sana ako kaso bigla naman niya akong nilayasan. Napakamot na lang ako sa ulo at napailing. Kahit kailan talaga.

Dito ko talaga mas nare-realize na every individual is unique and special in their own way, eh. For example, kaming magkakapatid. Buong buhay namin magkakasama kami sa iisang bubong pero lahat kami may sari-sariling attitude at beliefs sa mga bagay-bagay.

"Hay, life!" Napabuntong-hininga ako at pumikit habang nakasandal sa sofa. Bigla akong nalungkot. Parang may gusto akong makita at puntahan...

Pero saan...at sino?

Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko. Maaga pa naman, hindi pa siguro ganoon kasakit sa balat yung sikat ng araw. Makagala na nga lang.

At dahil nakaligo na naman na ako kanina pa, nagpalit na lang ako ng damit, nagdala ng maliit na bag and, ta-da! I'm ready to go!

Pero bago iyon, pinuntahan ko muna yung ate ko sa room niya. Kumatok ako ng sunud-sunod. "Ate South, hallo!"

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako pagbuksan. Her blue eyes bore into me in a questioning manner. Ngumiti naman ako kahit na expressionless lang siya. "Aalis lang ako, ha. Mata ne!"

"Hm."

Umalis na ako. Narinig ko na lang yung pagsara niya ng pinto. I messaged Ate North na rin para naman hindi siya mag-worry kung saang lupalop man ako ng Earth mapunta. Magliliwaliw lang naman ako, eh.

Wala akong reply na na-receive. Busy siguro. Ang hirap siguro magturo. Bigla tuloy akong na-guilty. Minsan kasi natutulugan ko mga teacher ko, eh. Nako, kung si Ate North siguro ang teacher ko, baka nasabon na ako no'n ng sermon. Yikes!

Naglakad na palabas ng bahay namin. Siyempre, hindi ako nakalimot na i-lock ang pinto at isara ang gate. Mahirap na, 'no.

Minsan napapaisip ako na gusto ko rin maging prof si Ate kahit isang beses lang. Ano kaya pakiramdam no'n? Masaya na nakakatakot? Nakaka-excite!

Siguro sa school na lang nila ako mag-e-enrol sa college. Though undecided pa rin ako sa magiging course ko. Hindi bale, matagal pa naman 'yon.

Nahinto ako sa paglalakad. Saan nga ba ako pupunta?

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now