Chapter 17

9.6K 620 37
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay nina Lucy nang hindi naaaksidente or what pero tingin ko sinuwerte lang ako. Sobrang gulo ng utak ko, feeling ko nag-overload ito dahil sa mga nalaman ko kanina. Paano ko ba iha-handle lahat ng mga nalaman ko?

Ni hindi ko pa nga nae-experience na may mag-confess sa akin lalaki pero never in my wildest imagination that some girl will do that. Paano iyon? Paanong mangyayari na magkakagusto sa akin si Via? I never did anything to her. Gusto niya ba na iniiwasan siya? Is she some kind of a masochist? Oh, my gosh. Natutuliro ako.

At ang pinakanakakaloko sa lahat ay yung sinabi niya tungkol sa nararamdaman ko kay Lucy. Kaka-realize ko pa lang na crush ko yung kaibigan ko tapos bigla niya akong dadalihan ng ganoon. Since when did I become gay...or...ano... Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung anong tamang word para i-describe ang sarili ko.

Am I straight no more? Is Via just exaggerating things? Or baka tama siya na masyado lang akong naive sa mga bagay-bagay? Pero kung may makakaalam man ng isang parte ng sarili ko, dapat ako pa rin ang unang makakaalam no'n kasi part ko iyon. Ako ang may hawak lahat ng iniisip ko, lahat ng nararamdaman ko, lahat ng desisyon ko.

"East, hija."

Napatingin ako sa Papa ni Lucy nang bigla niyang buksan ang pinto. Nalimutan ko na palang kumatok sa kakaisip.

"Good afternoon po, Tito." Masiglang bati ko. "Kakatok na po sana ako, eh." Sabi ko bago tumawa. Ngumiti naman siya sa akin.

"Halika, pasok ka." Niluwangan niya ang awang sa pintuan. "Maghahanda ako ng meryenda."

"Thank you po." Ngumiti naman ako at pumasok sa loob. Naabutan ko yung mga kapatid ni Lucy na naglalaro pero nang makita ako ay kaagad silang nagsilapit papunta sa akin at sabay akong binigyan ng yakap.

"Ate East!"

"Kamusta kayo, mga bulilit?" Nakangiting bati ko sa kanila. Parehas kong ginulo ang mga buhok nila. They both giggle and it makes me laugh.

"Okay naman po kami," Lauren answers, "pero si Ate Lucy po hindi."

"Why? May sakit siya?"

They both nod their head. Parehas nang nakabusangot yung dalawa. Hinawakan ko yung mga kamay nila. "Gagaling din si Ate Lucy ninyo, okay? Kaya dapat smile kayo para smile din siya. Kapag naka-smile na kayo edi gagaling na agad si Ate."

"Talaga po?" Austin asks and I nod with an encouraging smile. "Lauren, smile tayo."

Sabay naman silang ngumiti. Hindi ko napigilang kurutin ang pisngi nila. They're so cute!

"Puntahan ko na si Ate Lucy, ha? Play lang kayo."

Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Lucy. Hindi naman naka-lock ang pinto niya kaya pumasok na lang ako ng walang paalam. I saw her lying on the bed, nakatulala lang siya sa kisame na para bang iyon lang ang alam niyang gawin. Ang blangko ng titig niya, hindi katulad kapag tinitingnan ko siya sa mata na malalim ang iniisip.

Lumingon siya sa akin. Mabilis na nagkaroon ng kinang yung mata niya at nginitian ako. "East, bakit nandito ka?"

"Hindi ka pumasok." I can't help but pout my lips. Naglakad ako palapit sa kanya hanggang sa makaupo ako sa tabi niya. Sinalat ko ang noo niya. "Ang init mo. Uminom ka na ba ng gamot?"

Tumango siya. Saka ko lang napansin na ang putla-putla niya. Hindi rin nakalagpas sa paningin ko yung mga pasa niya na pilit itinatago sa pagsusuot ng malaking damit. Alam kong hinang-hina siya pero hindi niya pinapakita. Kaso nararamdaman ko, eh. Ang hirap baliwalain ng mga nangyayari sa kanya. Bakit habang mas tumatagal mas napapansin ko yung epekto ng sakit niya sa kanya?

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko, "May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka ba? Ano?"

"Mas nakakahilo yung mga tanong mo." Pabiro niyang sagot pero sinimangutan ko lang siya. She pats my head and sighs. "Ang seryoso naman ng batang ito. Okay lang ako. Medyo masakit lang ang tiyan ko."

"Natatae ka?" I asks, my eyebrows connect in curiosity. "Tsaka hindi na ako bata."

"Ha?" Natawa siya. "Hindi! Basta masakit lang."

"Inom ka gamot?"

"Puro ka naman gamot. Nauumay na ako sa gamot."

"Eh, may sakit ka, eh." Giit ko, "Ano, inom ka?"

Hindi na siya nakasagot nang bumukas ang pinto at iniluwa si Tito Lucio na may dalang juice at ilang biscuits and lemon square cheesecakes. He smiles at us. Lumapit naman agad ako para kunin yung mga dala niya at ipinatong iyon sa bedside table.

"'Nak, kamusta nang pakiramdam mo?" Tanong ni Tito nang makalapit siya sa anak. Lucy smiles and shrugs her shoulders like she's telling she's fine. He kisses her forehead at ginulo ang buhok nito. "Strong naman talaga ng baby ko."

"Papa nga," Tumawa siya na parang nahihiya. "Hindi na ako bata. Twenty na po kaya ako."

"Kaya nga, twenteen ka pa lang. Bata pa."

"Twenty, hindi twenteen. Hindi na ako teenager." Pagco-correct ni Lucy.

"Ang anak ko naman, masyadong seryoso."

Napangiti na lang ako sa kanila. Ang cutie ng mag-amang 'to, parang mag-tropa lang. Naisip ko bigla si Dad. Siguro kung hanggang ngayon kasama pa namin siya sa bahay, naisip ko, ganito rin kaya kami? Yung nagbibiruan tapos nag-aasaran. Yung mapipikon ako kasi alaskador siya tapos gaganti ako. Napatawa na lang ako sa iniisip ko, pangarap na lang yata iyon, eh.

Masaya na kasi siya sa pamilya niya ngayon. Tapos magkaka-baby pa sila ng new wife niya. Maybe I should just be happy for them kasi iyon yung choices nila. Kahit may nasaktan sila sa part namin. Gano'n talaga, eh. Maybe that's the reason why a coin have two faces. Kung ano man connect ng naisip ko, basta iyon na 'yon.

"East, okay na kayo rito? May kailangan pa ba kayo?"

"Okay na po, Tito, thank you po." Nakangiting pasasalamat ko. He nods in return bago umalis.

"Parang ang lalim ng iniisip mo kanina."

"Hindi, ah. Natutuwa lang ako sa inyo ni Papa mo." sagot ko, "Ang close ninyo kasi."

"Kami-kami na nga lang magkakasama sa bahay, hindi pa ba kami magiging close?" Nakangiting tugon niya. "Tsaka si Papa kasi, maalaga iyon tapos masayahin. Ayaw niyang may nalulungkot."

"Aw, same kami ng Papa mo."

"Edi tatawagin na kitang Papa?" Bigla siyang bumunghalit ng tawa dahil sa tanong niya. Para naman akong ewan na napanguso. Grabe siya! Papa talaga? Para naman akong matandang ewan no'n. "Joke lang, bunso ka pa rin." She winks. "Ikaw bunso ko."

"Don't call me bunso." Sumimangot ako. "Matanda ka lang sa akin pero hindi tayo magkapatid."

Somehow, the thought of her calling me bunso irritates me. Ayoko no'n. Hindi ko gusto.

"Oh?" Nangingiting reaction niya. "Ayaw mo ba akong maging kapatid? Friend slash sister, ayaw mo?" Hindi ako sumagot pero umiling ako. Bakit nakakairita na rin yung term na friend? Ginulo lang niya ang buhok ko. "Sige na, hindi na."

Tinitigan ko lang siya. Ngumiti siya sa akin. My eyes focus on her lips. Maybe I'm really naive after all. Pinakiramdaman ko yung puso kong bigla na lang kumabog ng mabilis pati na rin yung urge ko na...halikan siya. I want to kiss her right now and feel that smile.

Maybe I'm really too naive and innocent for not recognizing this feeling the moment I became interested to her. Isang tulak lang pala ang kailangan ko para lang ma-define 'to. I don't know if I should thank Via or not for clearing things up to me.

I'm too focused about friendships and all that I wasn't able to quickly recognized what my real emotions are.

"East?" Napatitig ako sa mata niya nang tawagin niya. "Smile na. Joke lang 'yon."

Congrats, East, you don't just get your first ever real friendship of the lifetime but a growing love interest as well.

Maybe Hansens aren't really gender bender katulad ng sinabi ni Via. Maybe it's the woman who get involved with us are.

Like Lucy Gamboa.

_____

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now