Chapter 9

10.7K 645 58
                                    

Napansin kong parang namumutla siya. Okay pa siya kanina, eh. Kaso parang iba na yung pagkaputla niya ngayon, at saka parang ang tamlay niya masyado. Mabuti na lang at tapos na ang klase. "L-Lucy?"

She looks at me. Ngumiti siya ng tipid, halatang hindi talaga maganda yung pakiramdam niya. "Bakit?"

"Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ko. Kahit ayaw niya ay kinapa ko na yung noo niya at napasinghap ng mapansing sobrang init niya. "Oh, my..." I bit my lower lip as I held her hand tight. "Gosh. You're so hot."

Kumunot ang noo niya. Napansin ko namang napailing si West na kasama lang namin. "What?"

"Anong what ka riyan?" Naguguluhang tanong ko pabalik. "Nilalagnat ka!" Marahan ko siyang hinila para maglakad. "Come on, sa clinic tayo."

"A-ayoko." Pinilit niyang bumitaw sa pagkakahawak ko but since I'm way stronger than her because she's sick, walang naging epekto ang pagpupumiglas niya. She winces in pain. "U-uuwi na ako."

"Pero—"

"Please?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, at talagang may kasama pang paghila sa manggas ng uniform ko. I sigh. Ang hirap niyang tiisin.

"Kahit hingi na lang tayo ng gamot, okay?" Malambing na saad ko. I smile when she nods. Nagbaling naman ako ng tingin kay West na nakatutok lang sa phone niya at mukhang may tina-type. Asa namang may ka-chat siya. Kanina pa naming siya kasama pero nagpapanggap yatang imbisibol ang kapatid ko dahil walang kaimik-imik. "West, gusto mong mauna nang umuwi?"

Nagkibit siya ng balikat bago tumango. Itinago niya ang cellphone sa bulsa at hinawakan yung strap ng bag niya. "Sunod ka na lang."

"Sige."

Nang makaalis na yung kambal ko ay saka ko naman inalalayang maglakad si Lucy. Mas lalo pa siyang nanghina. She looks terribly sick. Para siyang nilalamig. Hinapit ko siya palapit sa akin. Ramdam na ramdam ko yung init ng katawan niya.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ko. "Malapit na tayo."

She hums softly as a response. Medyo natigilan ako nang lumapat yung kamay niya sa baywang ko pero isinawalang bahala ko na lang. "Nahihilo lang ako."

Pagpasok namin sa clinic ay pinaupo ko muna siya sa isa sa kama na available. Sinabi kong humiga muna siya pero ayaw naman niya kaya hinayaan ko na lang. Kaagad kong kinausap yung nurse na naabutan ko. She first checks Lucy's temperature then nagtanong kung anong nararamdaman ng kaibigan ko. Binigyan niya na rin kami ng gamot after.

"She needs to take a rest and don't forget na painumin siya ng gamot." Mayumi yung paraan ng pagkakasabi ng nurse. Tumango naman ako sa kanya. "Mas better kung huwag na rin muna siyang pumasok bukas para hindi mabinat."

"Okay po, salamat po." Tumango naman siya at tinulungan pa ako na alalayan si Lucy patayo. Muli akong nagpasalamat kay Miss Nurse bago kami tuluyang makalabas.

"Gusto mong kumain na muna para makainom ka na ng gamot?" Tanong ko nang madaanan namin yung papuntang canteen habang paalis. Umiling naman siya pero hindi na nagsalita. "Ihahatid na kita, okay?"

"Kaya ko namang umuwi mag-isa." Giit niya at umiling-iling pa, tuloy, ngiwi ang inabot niya dahil sa hilo. "Shit."

Medyo natigilan ako sa pagmumura niya. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita ng ganoon. Siguro sobrang sama na talaga ng pakiramdam niya. Nakapag-decide na ako, ihahatid ko siya sa ayaw at sa gusto niya! Hindi ako mapapakali kapag hinayaan ko lang siya, eh. "Hindi mo naman kaya, eh."

"Kaya ko—"

"Huwag nang makulit, Lucy." Putol ko sa pagmamatigas niya. "Ihahatid lang naman kita. Hindi ako akyat-bahay, 'no."

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now