Chapter 30

8.8K 541 48
                                    

I let out a sigh when I check my phone pagkalabas namin ng church, kakatapos lang ng last service. Mabuti na lang at naabutan namin. Mas naging traffic kasi ang biyahe lalo na nang maghapon na. Wala pa rin siyang reply. Baka busy lang siguro, baka may lakad din sila nina Tito Lucio at ng mga kapatid niya like us. Siguro mamaya magte-text na iyon. Hihintayin ko na lang.

"Uuwi na ba kayo?" Dad asks. Inakbayan niya si Tita Antoinette na buhat-buhat naman si Miko. "Okay lang ba sumama muna kayo sa amin? Let's bond together."

Isa-isa kaming tiningnan ni Ate North. Tumango lang ako sa kanya. Siguro kailangan ko lang maglibang para hindi na ako masyado mag-isip sa whereabouts ni Lucy. Alam ko namang safe siya sa piling ng pamilya. I need to stop worrying too much para hindi naman mag-alala ang iba sa akin.

Mukhang game naman ang lahat na magliwaliw pa.

"Mall tayo, ayos lang ba?" Dad asks, "I actually want to buy stuffs for all of you."

"Anywhere is fine po." Ate North answers. "Halika na."

--

Totoo talaga yung walang pinipiling edad ang paglalaro. Sumasabay sa ingay ng lugar ang pamilya ko na enjoy na enjoy sa paglalaro dito sa Quantum. Para bang ngayon lang sila lumabas ng bahay at pinayagang maglaro sa playground.

Kahit si Dad ay masyadong busy na sa paglalaro no'ng car racing at feel na feel ang pagkambyo ng manibela.

Si Jadey, Ate North at Ate South naman ay sa basketball naging occupied. I can see Ate South having the highest score. Umabot pa ito sa round three habang nag-insert na ng panibagong coin yung dalawa.

Nasa kabilang side yata sina West at Mary Jane. I don't know what they're playing pero napansin ko na naging instant close sila bigla. Baka may napag-usapang hilig sa kung ano then poof! They suddenly get along together. Mabuti naman at hindi umandar ang pagka-aloof ng kambal ko. It's a good thing na she's making friends somehow.

Si Tita Antoinette lang ang hindi naglalaro. Nasa tapat lang siya ng entrance nitong Quantum. Tinopak kasi si Miko, iyak ng iyak. Siguro na-stress sa maghapong ingay kaya badtrip na. Mahirap din siguro talaga mag-alaga ng baby, very demanding sa needs tapos kailangan full force sa attention. In fairness naman kay Tita na mukhang hindi nas-stress. In fact, she looks like she's enjoying taking care of her kid.

Nang maubos ang token ko ay saka ko lang sinilip ang phone ko. Mag-iisang oras na kami ritong naglilibang pero wala pa rin siyang reply. Sinubukan kong tumawag ng isang beses pero hindi naman nasagot. Napabuntong-hininga ako. Nami-miss ko na siya. Kahit isang reply lang sana ulit, solve na ako.

To: Lucy

Mish kitaaaa. Ingat ka ha? Tsaka magpapahinga kapag napagod.

Ibinalik ko sa bulsa ang phone five minutes after kong mai-send yung text. Gabi na rin. Habang tumatagal ay mas lalo akong hindi mapakali.

"You okay?" Napalingon ako kay Mary Jane nang hawakan niya ako sa balikat. She looks worried and genuine. "East?"

Napatango ako as I try to compose myself. I give her a carefree smile. "Okay lang ako, Mary Jane. Ako pa ba."

"You can just call me Jane." Sabi niya. Ngayon ko lang napansin na iba ang accent niya. American accent. Siguro nakuha niya sa ama niya. Sa pagkakaalam ko laking America siya. Bihira lang kasi siya magsalita kaya ngayon ko lang napansin. "You looked troubled awhile ago. I would be mistaking you as West with that kind of expression, you know. Good thing that you both have different taste in fashion."

Natawa ako dahil doon. Ang hirap pala kapag seryoso ako. Madaling mahahalata if there's something wrong with me. Hay. Kaya it's better to always wear a smile no matter what I'm feeling. At least that way wala akong maaabalang tao.

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now