Chapter 18

9.6K 555 19
                                    

"Okay ka lang?"

"O-oo naman." I smile at her nervously, my heart beating faster. Napaiwas ako ng tingin. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba masyado akong naeewan sa harap ni Lucy? Wala namang bago, ah? Anong problema ko? Si Lucy pa rin naman siya!

"Gutom ka ba?" tanong pa niya. Umiling lang ako at ngumuso. Kumunot naman ang noo niya. "May problema ka ba? May sakit ka?"

"Wala nga." Muli ay umiling ako at ngumiti na para hindi na siya mag-worry. "Kulit naman po ni Lucy."

"Paano po kasi," she trails off, mimicking my pagiging magalang, "para kang pong ewan."

"Hindi naman kaya." Binelatan ko siya. "Nag-spaced out lang ako saglit."

"Hindi mo naman siguro iniisip yung sa sakit ko, 'di ba?" Seryosong tanong niya. Tumango ako na may seryoso ring expression. "Good."

Iniisip ko siya. Pero mas naiisip ko ngayon kung gaano ko siya kagusto. Pasimple akong napatingin sa labi niya. Plus this! I'm having a hard time controlling this sudden urges. After realizing that I like her, bigla na lang napadalas yung ganitong urge ko. I want to kiss her. Just a taste of her lips will suffice this thirst I think.

Pero hindi ko magawa. Paano ko gagawin 'yon? She's my friend! I don't even know how to kiss! Hay, ang hopeless ko. Tapos...straight siya. Napabuntong-hininga ako. Oo nga, straight siya. Pinaka-nakakainis na realization sa lahat.

Wala naman na akong magagawa. Kung tutuusin ayos na rin 'to. Ang mahalaga lang naman kasama ko siya. Masaya na ako na kasama siya. Titiisin ko na lang itong gusto kong gawin. Hinawakan ko siya sa kamay at nginitian. My heart melts when she smiles back.

I'm still lucky I can hold her hand without restriction and that smile...swerte pa rin ako na para sa akin yung smile na 'yon. Kuntento na ako sa ganito.

When you like someone, hindi naman pala kailangan na maging kayo. Presence pa lang ng taong gusto mo, sobra na sa sapat. As long as Lucy's with me, everything will be alright. It will makes me happy. It will makes me complete even by just watching her.

So, please, God, let her live.

--

"Nagkagusto ka na ba sa isang tao, West?"

"In what aspect?" balik tanong niya, "Platonic or romantically?"

"In a romantic way siyempre." ungot ko. Gusto na lang palaging ine-elaborate ang mga bagay-bagay.

"Bakit mo tinatanong?" tanong na naman niya, "May nagugustuhan ka na, 'no?"

Namula ako. "Kapag nagtatanong meron na agad?"

"You won't ask without a reason." Ngumiti siya pero mabilis ding nagseryoso at tumutok sa cellphone niya. Ang bilis ng galaw ng daliri niya sa pagta-type. "I know you, East. You may be a random talker but I know there's a catch kapag nagtatanong ka ng something unusual."

Magsasalita sana ako pero wala akong maisip na remark. Pinili ko na lang na itikom ang bibig. Nakakainis naman! Bakit kasi ang dali lang sa kanya na basahin ako?

"So, tama ako, 'no?" mapang-asar na tanong niya, "Sino 'yang malas na lalaki?"

"Ewan ko sa'yo!" Inismiran ko siya. At saka, babae ang gusto ko, pagco-correct ko sa kanya sa isipan ko. "Tinatanong ka ng maayos, tapos puro ka tanong pabalik."naaasar kong sabi, "Siguro may gusto ka, 'no, ayaw mo lang sabihin."

"Eh, bakit ka ba kasi nagtatanong?" Ayan na naman siya sa tanong niya, hindi man lang pinansin yung huli kong sinabi. Ate South the second talaga siya, eh. She can be secretive at times.

"Eh, sa gusto ko, eh."

"Then gusto ko rin na magtanong pabalik." Tipid siyang ngumiti. "Go talk to Jade, baka siya makasagot ng tanong mo."

"Talaga?" She simply nods without saying anything. "Okay."

Bumangon na ako at iniwan siya sa kwarto. Pumunta ako sa kwarto ni Jade at kumatok. Ilang seconds lang ay bumukas iyon. Mukha pa nga siyang nagulat pero mabilis ding nakabawi at nginitian ako. "East, napadpad ka rito?"

"Usap tayo!" Masiglang sabi ko bago pumasok sa kwarto niya. Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng lugar kahit na alam ko naman na talaga yung itsura. Wala namang binago si Jadey dito sa loob. Tinamad siguro 'to mag-ayos masyado. Ni walang pictures, eh. Humiga ako sa kama niya. "Hmm! Lambot!"

Natawa siya bago umupo sa tabi ko. "Para ka namang walang kama sa kwarto niyo. Hindi ba malambot kama mo?"

"Malambot din." Humagikhik ako.

"Oh, naman pala." Napailing-iling siya habang nangingiti. Nag-peace sign naman ako. "May gusto ka bang sabihin?"

"Meron." sagot ko, "Nagkagusto ko na ba sa isang tao?"

Tumaas ang kilay niya. Yung titig niya parang katulad ng kay West kanina, naghihinala na ewan. "Oo naman. Bakit?"

"Paano mo na-handle yung pagkagusto mo sa taong iyon?" tanong ko.

"Hmm..." Humiga siya sa tabi ko. Kumuha siya ng isang unan at niyakap 'yon. Para naman akong bata na nakiyakap sa unan niya kaya para na rin akong naka-hug sa kanya. Bango naman ni Jadey. "Hindi ko rin alam."

"Huh? Wala bang nagbago sa loob mo? Yung parang hindi ka mapakali sa bilis ng heartbeat mo, o kaya nate-tempt ka, mga gano'n."

"Siyempre nararamdaman ko 'yan, 'no." Tumawa siya at tumagilid ng higa paharap sa akin. "Mahirap i-handle ang feelings. Nando'n kasi yung sinasabi nating heartbeat na mabilis, mga kilig moments, even yung mga urges natin na gusto nating gawin sa isang tao. Kaya nga hindi ko masabi kung paano i-handle. Weird siguro itong sasabihin ko pero..." Humiga ulit siya ng patihaya, nakatitig sa kisame. "Nagwawala yung feelings natin kapag kasama natin yung taong gusto natin pero at the same time, nagagawa rin nila tayong pakalmahin. Maybe isa iyon sa reason kung bakit hindi pa tayo nakakagawa ng malagim na kasalanan."

Natawa ako ng malakas sa huling sinabi niya pero naintindihan ko naman yung gusto niyang iparating. May point naman siya.

Parang katulad lang no'ng kay Lucy. Para akong ewan minsan pero siya rin naman ang reason kaya ko nagagawang pakitunguhan siya ng maayos. Siguro marami lang talagang weird kapag may gusto sa isang tao. Minsan kahit sarili mo kinokontra mo kaso ganoon talaga, eh.

Kapag nakikita ko si Lucy, nagwawala yung loob ko, pero nagagawa niya akong pakalmahin sa titig niya pa lang. Hay. Dalaga na talaga ako...

"May nagugustuhan ka ba ngayon, Jadey?" tanong ko.

Ngumiti siya pero hindi man lang ako nilingon. "Ikaw ba, meron?"

Hindi ako sumagot. Ayoko kasing sabihin kahit obvious na. Kung may una man akong pagsasabihan, dapat kay Lucy muna. Tingin ko naman deserve niya iyon. Pero paano ko sasabihin at kailan?

Ano kayang pwede niyang sabihin? Matutuwa kaya siya? Maiilang? Kalayuan niya ba ako o hindi? Bigla akong nakaramdam ng takot. Parang ang hirap yata kung negative ang mangyayari.

Ayokong mawala siya. Ayoko na lumayo siya. Pero may pakiramdam ako na hindi ko malilihim yung feelings ko ng matagal na panahon. One of these days, sigurado ako na madudulas ako.

Hay. Ang hirap naman pala talaga.

Mas dadali kaya 'to kung lalaki ang nagustuhan ko? Proproblemahin ko kaya kung paano aamin? Oo siguro. Wala namang pinagkaiba.

Hindi naman ako nagsisisi na si Lucy ang napili ko. Ang saya ko pa nga, eh. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, opinyon nila 'yon. Basta ako, gusto ko siya. Pero importante sa akin ang pwedeng sabihin ni Lucy kung sakali.

Now...what to do?

_____

Besotted (GL) [HSS #2, Completed]Where stories live. Discover now