Chapter 3

76.4K 1.3K 103
                                    

Enjoy reading!

Tinutulak ko siya papalayo sa akin ngunit hinawakan niya ang likod ko gamit ang kanyang braso. At mas lalo pang lumalim ang halik niya sa akin.

Napahigpit ang kapit ko sa braso niya nang maramdaman ko ang kanyang kamay na pumasok sa loob ng aking damit at gumagala iyon sa aking likod.

Huminto lang ang paghalik niya sa akin nang binuhat niya ako at umakyat sa hagdan papunta sa kwarto kung saan ako nagising kanina. Nang mabuksan niya ang pinto ay muli niya akong hinalikan. Narinig kong sumara iyon at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang malambot na kama sa aking likod.

Nakatayo siya sa harapan ko at mabilis na hinubad ang damit niya pang-itaas at sunod ay ang kanyang pantalon. Mali 'to. Hindi ko siya kilala pero ito ako at hinahayaan siyang gamitin ang katawan ko. Akmang babangon ako nang pumatong siya sa ibabaw ko kaya muli akong napahiga sa kama.

"F*ck, I'm sorry." Bulong niya sa akin.

"H-harvey…" Pilit ko siyang tinutulak dahil bukod sa medyo mabigat siya ay nararamdaman ko ang bumubukol sa bandang hita niya. Tanging manipis at maikling shorts lang ang kanyang suot.

"Let me hug you like this, love. Pinapakalma ko lang ang sarili ko." Mahina niyang sabi at niyakap ako habang nasa ibabaw ko pa rin siya.

Ramdam ko ang paghinga niya sa aking leeg. Ganoon din ang ilong niya na para bang inaamoy ang leeg ko. Matagal din ang pagkakayakap niya sa akin hanggang sa naramdaman ko na nakatulog na siya sa ibabaw ko. At dahil hindi ko na kaya ang bigat niya ay dahan-dahan akong tumagilid upang makaalis siya sa ibabaw ko. Mahimbing pa rin ang tulog niya na para bang ilang gabi siyang puyat.

Ngayon ko lang natitigan nang maayos ang mukha niya. Bakit parang mas makinis pa ang mukha niya kaysa akin? Gumagamit ba siya ng skin care? Hindi maipagkakaila na gwapo siya. Siguro marami ng napaiyak na mga babae ang lalaking 'to. Ngunit hindi ko pa rin alam kung bakit niya ako ipinadukot. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? Ito na ang pagkakataon ko upang tumakas sa lalaking 'to. Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap sa akin. Pati na rin ang isang paa niyang nakadantay sa hita ko. Nang malapit na akong makawala sa yakap niya nang magsalita siya na ikinagulat ko.

"Ayaw mo bang matulog? What do you want? May swimming pool sa labas. Samahan kita." Sabi niya sa paos na na boses. Muntik ko na siyang matulak sa biglaan niyang pagsalita.

"Ayaw ko. Hindi naman ako marunong lumangoy. Ang gusto ko ay umuwi na sa amin dahil paniguradong hinahanap na ako ng tita ko." Sagot ko. Ngunit hindi siya nagsalita pa muli. Bumangon siya at isinuot ang kanyang damit at naglakad palabas ng kwarto.

Ilang oras din akong nanatiling nakahiga sa kama at iniisip kung paano ba ako makakatakas rito. Wala talaga akong alam kung bakit niya ako dinukot at itinago rito sa kanyang kwarto. Hindi ko siya kilala. Wala akong atraso sa kanya. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin?

Bumangon lang ako nang maramdaman kong tumunog ang aking tiyan. Anong oras na ba? Kakakain ko lang kanina at ngayon ay nagugutom na naman ako. Pagod na ako kakaisip kung paano ako makakatakas rito. Wala akong mahingian ng tulong dahil kahit ang selpon ko ay kinuha ni Harvey. Nag-aalala na ako kay Tita Rose dahil siguradong hinahanap na ako no'n. Nang tumunog ulit ang tiyan ko ay bumangon na ako at naglakad papunta sa may pinto. Mabuti na lang at hindi na naka-lock iyon kaya agad kong binuksan at sumilip sa labas kung mayroon bang tao ngunit wala.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon