Chapter 39

37.9K 660 69
                                    

Enjoy reading!

Pagkatapos akong iligtas ni Harvey kay Angelica ay dinala niya ako sa hospital. Narinig ko na mayroong mga tao sa paligid ko kaya iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Tita Rose at si Jarenze.

"Abby, anak. Diyos ko, mabuti at gising ka na." Nag-aalalang sabi ni Tita Rose. Lumapit naman siya sa 'kin at niyakap ako.

"Abby, pinakaba mo kami ni Tita Rose, alam mo ba 'yon?" Naiiyak na sabi naman ni Jarenze.

"Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa 'yo at sa magiging apo ko." Nagulat ako sa sinabi ni tita. Magiging apo niya? Buntis ako?

"B-buntis po ako?" Gulat kong tanong.

"Hindi mo pa ba alam, Abby? Ang akala namin ay alam mo na at hindi mo lang sinabi sa amin." Sabi ni Jarenze. Totoo nga na buntis ako. May baby na sa sinapupunan ko.

"Buntis ako? May baby na ako, tita, Jarenze." Natutuwa kong sabi na ikinangiti nila.

"Oo, Abby. Kaya kailangan mong mag-ingat na." Nakangiting sabi ni tita.

"Magpahinga kana muna, Abby. Bibili lang ako ng makakain natin." Sabi ni Jarenze. Tumango lang ako. Agad naman siyang naglakad palabas ng kwarto. At ang kasama ko na lang ay si tita.

"Tita, alam mo ba kung nasaan si Harvey?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, hija. Basta nang sinabi ng doctor na okay kana at ligtas kayo ng anak mo ay umalis na siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta." Sagot ni tita. Saan kaya pumunta 'yon?

"Magpahinga kana muna, Abby. Kailangan mo 'yan at ng anak mo." Sabi ni tita. Kaya hindi na ako sumagot at ipinikit ko na lang ang aking mga mata.

Nagising ako dahil may kamay na sumusuklay sa aking buhok. At nakita ko si Harvey na nakaupo sa gilid ko at sinusuklay ang aking buhok gamit ang kamay niya.

"Love." Sabi niya.

"Nasaan si tita at si Jarenze?" Tanong ko sa kanya.

"Umuwi muna sila. May trabaho pa raw si Jarenze." Sagot niya.

"Salamat nga pala sa pagligtas sa 'kin." Sabi ko.

"It's my responsibility as your husband, love. Kailangan kitang iligtas sa kahit anong kapahamakan. I love you." Sagot niya at hinalikan ako sa noo at sa labi.

Kinabukasan ay pinayagan na rin ako ng doctor na lumabas ng hospital. At pag-uwi namin sa bahay ni Harvey ay sakto namang pagdating ng mga magulang niya.

"Thanks, God, you're safe, hija." Sabi ng mama ni Harvey at niyakap ako.

"Kumusta ka na?" Tanong niya.

"Okay lang naman po, tita." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Nako, 'di ba sinabi ko naman sa 'yo na tawagin mo akong mommy." Sabi niya. Napangiti na lang ako.

"Okay po, m-mommy." Sagot ko.

"Kamusta ang apo ko?" Tanong niya habang nakatingin sa aking tiyan.

"Okay lang din ang anak ko." Sagot ko at hinawakan ang aking tiyan.

"That's good. So, ano pa ang hinihintay natin? Kumain na tayo. Tara na." Sabi niya at sabay kaming naglakad patungo sa kusina.

Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay agad din naman silang nagpaalam na aalis na dahil mayroon pa raw silang pupuntahan. At dahil wala naman akong gagawin ay nanood n llang ako ng tv habang kumakain ng pinya. Napatingin ako kay Harvey nang umupo siya sa aking tabi.

"Love." Malambing niyang tawag sa 'kin.

"Hmm?" Sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa tv. 

"I love you." Muntikan ko ng malunok nang buo ang isang sliced ng pinya sa sinabi niya.

"Ano ba. Nangugulat ka naman." Sabi ko at kinurot siya sa tagiliran.

"Bakit? Nakakagulat bang magsalita ng I love you?" Natatawa niyang tanong.

"Ewan ko sa 'yo, Harvey." Sagot ko. Tumawa lang siya at hinawakan ang tiyan ko.

"May tanong ako sa 'yo." Wika ko at napatigil siya sa pag haplos ng aking tiyan.

"What is it?" Tanong niya.

"Nasaan na si Aira? At anong ginawa mo kay Angelica?" Tanong ko.

"Well, I killed them." Simple niyang sagot na para bang hindi buhay ng isang tao ang kinuha niya.

"Harvey, 'di ba sinabi ko na sa 'yo dati na huwag kang pumatay?" Galit kong sabi.

"They want to die, love. So, I did it for them. Huwag na nating pag-usapan 'yan dahil pag-aawayan lang natin 'yan " Sagot niya. Bumuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang panunood ng tv.

Ngunit ilang saglit lang ay biglang tumunog ang selpon ko at pangalan ni Jarenze ang lumabas sa screen.

"Hello, Jarenze?" Sagot ko.

"A-abby, pwede ba tayong mag-usap ngayon?" Umiiyak niyang sabi.

"Sige. Magkita tayo sa restaurant. Ite-text ko sa 'yo kung saan." Sagot ko.

"Sige, salamat." Sabi niya at tinapos na ang tawag. Agad naman akong tumayo ngunit hinawakan ni Harvey ang kamay ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Magkikita kami ni Jarenze ngayon. Umiiyak kasi siya." Sagot ko.

"Hatid na kita." Sabi niya at tumayo na rin.

Pumayag naman ako na ihatid niya dahil sa nangyari sa akin ay natatakot na rin ako. Agad ko namang tinext ang address ng restaurant kay Jarenze. Ano kaya ang problema niya? Bakit siya umiiyak? Pagkatapos kong magbihis ay sabay na kaming lumabas ni Harvey at sumakay sa kotse niya patungo sa restaurant.

Pagdating ko sa restaurant ay nandoon na si Jarenze. Hindi na rin sumama pa si Harvey sa loob at nagpaiwan na lang sa kotse 

Halatang galing lang sa pag-iyak si Jarenze dahil namamaga ang kanyang mga mata. Ano ba kasi ang problema niya? Agad na akong naglakad papunta sa lamesa niya at umupo sa kaharap niyang upuan.

"Um-order muna tayo." Sabi ko. Tumango naman siya. Lumapit sa amin ang isang waiter at may binigay na listahan ng mga pagkain nila. Pagkatapos naming um-order ay umalis na rin agad ang lalaki.

"May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"Ano?" Tanong ko at bigla siyang umiyak kaya iniliat ko ang aking upuan sa tabi niya at agad siyang niyakap.

"Kung ano man 'yang problema mo ay sabihin mo lang sa 'kin." Sabi ko.

"A-abby, b-buntis ako." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napahiwalay ako sa pagyakap sa kanya.

"Buntis ka? Sinong ama?" Gulat kong tanong.

"Si K-kyle." Mas lalo pa akong nagulat.

"Alam ba niya?" Tanong ko. Agad siyang umiling.

"Ilang weeks na?" Tanong ko ulit.

"Three weeks, Abby." Umiiyak niyang sagot.

"Huwag kang umiyak makakasama 'yan sa baby mo. Anong plano mo ngayon?" Tanong ko.

"H-hindi ko alam, Abby. Kinakabahan ako." Sagot niy.

"Bakit ayaw mong sabihin sa kanya ang tungkol sa anak niyo?" Tanong ko.

"Natatakot ako." Sagot niya.

"Bakit ka naman matatakot? Anak niya 'yan kaya dapat niyang panagutan." Wika ko. Subukan lang ng Kyle na 'yon na hindi panagutan ang kaibigan ko. Makakatikim siya nang malakas na sampal sa 'kin.

"H-hindi pa ngayon, Abby. Kailangan ko pa nang lakas ng loob para sabihin sa kanya." Sagot ni Jarenze.

"Kung 'yan ang gusto mo, sige. Basta nandito lang ako para sa 'yo tandaan mo 'yan. Okay?" Saad ko. Tumango lang siya bilang sagot.

"Thank you, Abby." Sabi niya at niyakap ako. Siya na lang at si tita ang natitira kong pamilya. Para ko na rin siyang kapatid at siya rin ang nag-aalaga ngayon sa tita ko. Kaya dapat lang na tulungan ko siya sa ano mang problema niya.




Miss_Terious02

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant