Chapter 23

41.2K 735 46
                                    


Enjoy reading!

Umagang unaga kinabukasan ay may natanggap akong message mula kay Harvey. Pinapapunta niya ako sa kanyang condo unit upang maglinis. Ang kapal naman ng mukha niya para utusan ako. Secretary niya ako at hindi kasambahay. Ang yaman-yaman niya tapos kahit taga kuha ng taga linis sa condo niya ay hindi niya magawa. At saka hindi ko alam kung saan iyon.

Ayaw ko sanang pumunta ngunit biglang tumunog ang selpon ko at pangalan ni Harvey ang lumabas sa screen.

"Hello." Walang gana kong sagot.

"Bakit hindi ka nagre-reply sa sa message ko?"  Tanong niya mula sa kabilang linya.

"Sir, ipaalala ko lang po sa 'yo na secretary mo ako at hindi kasambahay." Sagot ko.

"Dodoblehin ko ang sahod mo. Just come here." Sabi niya.

"Ayaw ko. Ikaw na lang maglinis ng condo mo." Sagot ko at agad na tinapos ang tawag. Ngayon nga lang ako makakapag pahinga tapos uutusan pa niya. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at natulog muli.

"Abby! Gumising ka na riyan at may naghahanap sa 'yo!" Sigaw ni tita mula sa labas ng kwarto. Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit narinig ko na may naghahanap daw sa akin. Sino naman?

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at parang nawala ang antok ko nang makita ang tauhan ni Harvey na nakaupo sa sala habang kausap niya si tita.

"Magandang umaga po, Ma'am Abigael." Bati ng lalaki sa akin.

"Teka, nag-usap na kami ng amo mo. Sinabi ko na hindi ako pupunta." Sabi ko.

"Pinapasundo po kayo, ma'am. At hindi raw po ako aalis rito hanggang hindi kayo kasama." Magalang na sabi niya. Ang tigas talaga ng ulo ni Harvey.

"Abby, magbihis ka na. Baka importante iyon." Sabi ni tita. Bumuntong hininga ako bago bumalik sa kwarto at nagbihis.

Tanghali na nang makarating kami sa condo ni Harvey. Sinamahan din ako ng driver niya hanggang sa pinto mismo ng condo niya.

"Maiwan ko na po kayo, ma'am." Paalam ng driver.

"Sige, salamat." Sagot ko. Tumango lang siya at umalis na.

Agad akong kumatok sa pinto ng condo ni Harvey. Mayroon naman siyang bahay pero bakit siya narito sa condo niya? Ilang sandali lang ay bumukas iyon at bumungad sa akin si Harvey na walang damit pang-itaas.

"Are you done checking my abs?" Napakurap ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin.

"H-ha? H-hindi ko naman tinitingnan 'yan." Sagot ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Okay, sabi mo e. Come in." Sabi niya at nilakihan ang pagbukas ng pinto kaya pumasok ako sa loob. Iniilibot ko ang paningin ko sa loob ng condo niya. Ang laki at ang lawak ng condo niya. Mukhang mas malaki pa ito kay sa bahay namin ni tita. May mga paintings din na nakasabit at mga larawan ni Harvey at ng pamilya niya.

"Mag damit ka nga." Utos ko sa kanya. Hindi ba siya nilalamig? Naka bukas pa ang aircon niya rito. Pumunta siya sa sofa at kinuha ang isang gray na damit at agad niyang sinuot.

"Sinabi ko naman sa 'yo na ayaw kong maglinis ng condo mo. Secretary mo ako at hindi kasambahay, Harvey." Inis kong sabi.

"I just want to be with you, love. Hindi naman talaga kita palilinisin ng condo ko." Sagot niya.

"Pambihira ka, Harvey. Natutulog ako sa bahay tapos ipinasundo mo ako roon para lang makasama ako rito? Bakit, hindi ba tayo nagkita kahapon?" Inis kong tanong. Ngayong araw na nga lang ang pahinga ko tapos hindi ko pa magawa.

Mafia Boss Obsession [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now